Bakit may watchlist ang BI
December 15, 2005 | 12:00am
PINAHANGA ako ng mga bataan ni newly designated bossing ng Supt. Eleodorio Ocampo, bossing Mobile Patrol and Security Unit ng Aviation Security Group sa NAIA dahil naibalik nila ang naiwan bagahe ng isang passenger todits na dumating sa paliparan.
May P100,000 lang naman ang naibalik kay Girlie Fuentes Babiera ng maiwan niya sa sitak ang kanyang baggages. Kaya ang ginawa ni Girlie ay mabilis na nagtungo sa office ni Ocampo para humingi ng tulong at dehins naman napahiya ang tsikas dahil mabilis itong inaksyunan.
Malaking pasasalamat at halos maiyak si Girlie ng i-turn over ang kanyang mga bagahe na nakuha sa naiwanan sa taksi. Para kay Supt. Ocampo at mga tauhan niya congrats sa inyo talagang maaasahan kayo sa paliparan. Mabuhay kayo!
Ang isyu, kapag ang isang pasahero ay nasa watchlist ng Bureau of Immigration dapat muna niyang linisin ang kanyang pangalan sa bureau para siya makalabas ng Pinas.
Ang watchlist kasi ay talaan ng mga taong inirereklamo o kaya naman ay pinaghahanap ng mga authorities para pagpapaliwanagin sa mga isyung nakaatang sa kanya.
Hindi basta-basta makakaalis ang isang pasahero habang hindi niya makukumbinsi ang Bureau of Immigration na walang katotohanan ang isyu laban sa kanya o dehins siya ang taong nasa watchlist. Sabi nga, not the same person!
Pero bago ito dapat muna siyang magpakita ng mga dokumento galing sa korte ng pinagreklamuhan at ise-certify naman ng BI Records Division na clear ang kanyang pagkatao. Sa madaling salita, pagkatapos ng sangkatutak na abala saka pa lamang ito papayagan makaalis ng Pinas going abroad. Ganito ang butas este mali batas pala at ito ang dapat gawin ng mga nagpapatupad nito.
Tama ba ang mga kuwago ng ORA MISMO, Mr. Ferdie Sampol, Sir? Sabi nga, ang slogan ni Senator Fred Lim, no one is above the law, the law applies to all otherwise none at all!
Pero sa kaso ni Joc-Joc Bolante mukhang dehins nasunod ang batas dito. Paano ba ito, Senator Lim? May mga tao yatang mas mataas sa batas ng Pinas!
Nag-aala Pontius Pilate na ang mga taong nagbigay ng basbas para makalabas si Joc-Joc.
Ika nga, nagtuturuan kung sino ang dapat managot sa Senado.
Ano ba ito, Senator Jun Magsaysay, Your Honor? tanong ng kuwagong human smuggler.
Patawag mo kasi sila sa Senado para magpa- liwanag kung bakit iba ang pinaiiral na batas sa mga maimpluwensiyang mga people kaysa sa mga mahihirap, sagot ng kuwagong abogadong bagsak sa bar.
Ganito ba ang batas sa Pinas? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyan kamote ang itanong ninyo kay Ferdie Sampol.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest