^

PSN Opinyon

Maling akala

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Ricardo ay chief security officer ng isang international hotel na pagmamay-ari ng ACS. Noong 1998 elections, nabigyan siya ng leave of absence upang makauwi ng probinsya. Noong April 27, 1998, bago matapos ang 12 araw niyang bakasyon, humingi naman siya ng emergency leave na 10 araw mula April 30 hanggang May 13, 1998. Sa pamamagitan ng telegrama, sinabi ng ACS na hindi aprubado ang emergency leave at dapat na bumalik na si Ricardo sa trabaho ng April 30. Hindi bumalik si Ricardo noong April 30 kaya muli siyang pinadalhan ng telegrama na nagsasabing unauthorized leave siya kaya dapat na siyang magbigay ng paliwanag. Pinababalik din siya ng ACS ng May 1, 1998.

Hindi nakabalik ng May 1 si Ricardo. Samantala, nakatanggap ng telegrama ang ACS mula sa ama ni Ricardo na nagsasabing ang kanyang anak ay maysakit at makakabalik lamang daw ito ng May 4. Pumasok si Ricardo ng May 4 subalit pinagpapaliwanag siya sa loob ng 24 oras ng kanilang resident manager na si Mr. Baer, sa pagliban niya noong April 30 at May 1 at ang tanghali na niyang pagpasok ng araw na iyon. Hindi siya nagbigay ng paliwanag dahil kinailangan siyang umuwi ng gabing iyun sa probinsya subalit ipinangako niyang sa e-mail niya ipapadala ang paliwanag. Humingi rin siya ng emergency leave without pay mula May 5 hanggang May 9.

Ipinaliwanag ni Ricardo sa e-mail na nagkasakit siya noong April 30 at May 1 at sinabing wala siyang alam na hindi naaprubahan ang kanyang extension of leave hanggang May 15. Pagkatapos ay umuwi na si Ricardo ng probinsya sa paniniwalang maaaprubahan ang kanyang emergency leave without pay. Subalit nang gabi ring iyun ay nagpadala pala si Mr. Baer ng inter-office memo kung saan hinihingi nito ang presensya ni Ricardo sa May 5 para sa isang turn-over ng outgoing security agency. Hindi nakadalo si Ricardo noong May 5 dahil natanggap lamang niya ang memo noong May 8. Kaya, muli siyang pinadalhan ng telegrama ni Mr. Baer at hiniling na pumasok na siya para sa isang importanteng bagay. Natanggap ito ni Ricardo noong May 7. Kinabukasan, napahiya si Ricardo nang harangin siya ng guwardiya sa gate dahil may inter-office memo raw si Mr. Baer. Ayon sa memo, tanggal na sa trabaho si Ricardo noong May 8 dahil sinadya daw nitong hindi sundin ang paulit-ulit na pakiusap sa kanya na bumalik sa trabaho.

Nagsampa si Ricardo ng illegal dismissal with damages and attorney’s fees laban sa ACS, sa manager na si Mr. Baer at sa presidente nitong si Kenny. Pinaboran ng NLRC at CA si Ricardo dahil ang pagsuway nito ay hindi napakasama at hindi sinasadya. Kaya, inatasan ang ACS na ibalik sa trabaho si Ricardo. Pinagbabayad din ang ACS, Baer at Kenny ng backwages, moral damages at attorney’s fees para na rin mapigilan ang mga dayuhang employer sa malupit na pagtrato ng mga ito sa mga Pilipino na dapat sana ay nabibigyan ng kaukulang respeto sa sariling bayan. Tama bang pagbayarin sina Baer at Kelly?

HINDI.
Walang pagpapatunay na pinagmalupitan si Ricardo nina Baer at Kenny. Nagkataon lamang na sila ay dayuhan. Si Baer bilang kinatawan ng ACS ay madalas na mag-akalang natatanggap ni Ricardo sa tamang oras ang ipinapadala niyang telegrama kaya ipinapalagay niyang sinasadya ni Ricardo na hindi sumunod sa order ng ACS.

Kailangang idismis ang reklamo laban kina Baer at Kenny. Tanging ang ACS lamang ang magbabayad ng backwages, attorney’s fees at separation pay ng isang buwan kada taon ng serbisyo dahil imposible na siyang maibalik pa sa trabaho dahil wala nang tiwala at kompiyansa sa kanya ang ACS ( Acesite vs. NLRC et.al. G.R. 152308; Gonzales vs. Acesite et.al. G.R. 152321, January 26, 2005).

vuukle comment

ACESITE

ACS

BAER

DAHIL

KAYA

MR. BAER

NOONG

RICARDO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with