^

PSN Opinyon

Dahil kaya kay Mike Velarde kaya ‘lumaki ang ulo’ ni Sr. Supt. Panen?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAGANDA na sana ang accomplishment ng Rizal PNP sa pagka-rescue nila ng isang chinese trader na si Lily Ong sa kamay ng kanyang kidnapers subalit mukhang na-bungle nila ang aspeto nito sa publisidad. Kasi nga sa panahon sa ngayon kung saan ang halos laman ng diyaryo, TV at radyo ay ang mga pangongotong at kung anu-anong kaso pa na kinasangkutan ng ating kapulisan, aba magandang tunog sa tainga ang pagkapatay ng isang kidnapper at sa matagumpay na rescue operations sa Cainta. Kaya kung nabigyan ng tamang publisidad ang kaso ni Ong, tiyak na ngiting aso na naman sana si PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao dahil ebidensiya ito na hindi nagpapabaya ang hanay ng kapulisan para pangalagaan ang kapakanan ng sambayanan. Subalit ang kaso ni Ong ay ni hindi na halos makita sa diyaryo at kapiranggot lang sa TV at radyo. At sino ang may kasalanan? Ang itinuturo ng kasamahan ko sa hanapbuhay sa Metro-Rizal Press Organization (MERPO) ay ang supladong hepe ng Rizal PNP na si Sr. Supt. Freddie Panen, he-he-he! May semplang si Panen sa MERPO, di ba mga suki?

Para sa kaalaman ni Gen. Lomibao, ganito pala ang nangyari. Maaga pa nang malaman ng taga-Merpo na may nangyaring kidnapping sa Rizal at ang mga kapulisan naman ay nagsagawa ng checkpoint operation para masakote ang mga suspects. Nakarating din sa kaalaman ng mga mediamen na naengkuwentro nga ang mga kidnapper at may namatay sa hanay nila na nakilala kinalaunan na si alyas Edwin Castillo. At para gumanda ang istorya nila, tinawagan nila sa cellphone si Panen para sa detalye. ’Yaon ay mga bandang 5:30 na ng hapon noong Linggo. ’Ika nga ay naghihingalo na sa deadline sa mga opisina nila. Nadismaya ang mga taga-MERPO dahil ang isinagot sa kanila ni Panen ay ganito: Pumunta ka na lang sa opisina ko.’’ Ang taga-MERPO ay sa EPD annex pa naka-base at malayo na ang Rizal PNP headquarters na sa Hilltop naman sa Tanay. Kapag namasahe ang mga taga-MERPO, aba aabutin sila ng siyam-siyam bago makarating sa Hilltop. Kaya ang siste, ang kakarampot na detalyeng hawak nila ang pinagdiskitahan ng mga taga-MERPO at presto… nawalang parang bula ang media mileage ng PNP sa kaso, he-he-he! Noong si Panen pala ay hepe ng Malabon pa, hindi naman daw ganyan ang ugali niya. Lumaki kaya ang ulo ni Panen? May kinalaman kaya si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai sa pagiging suplado niya?

Kung sabagay tinutuligsa rin ng taga-MERPO si Panen dahil sa biglang pag-relieve niya kay Supt. Gilbert Cruz bilang hepe ng Cainta. Sa tingin kasi ng mga kasamahan ko sa hanapbuhay, may pulitika sa pag-relieve kay Cruz dahil alam naman ng lahat na ang pumalit na si Supt. Pierre Bucsit ay galit sa mga opisyales ng PNP na naka-align kay Sen. Ping Lacson. Miyembro ng RAM si Bucsit at naringgan pa siya na nagsalita na dapat itong mga bataan ni Lacson o dating President Estrada ay hindi makapuwesto at sila na naman ang magiging hari. Saan na ang ipi-nagyabang ni GMA na reconciliation? Pero dapat bago siya magsalita ay nagsalamin muna si Bucsit dahil may uling din pala siya sa mukha. Si Bucsit kasi, na dating hepe ng intelligence ng PNP sa Bicol ay isa sa mga PNP officials na ipinatawag sa Senate hearing sa jueteng. He-he-he! Kung nasa payroll ng gambling lords si Bucsit sa Bicol, ibig sabihin nakalimutan na niya ang ipinaglaban niya? Ngayon, masaya kaya si Bucsit at nakasulot siya ng puwesto ng sa tingin niya ay kalaban niya?

Abangan!

vuukle comment

ARTURO LOMIBAO

BICOL

BUCSIT

CAINTA

EDWIN CASTILLO

MERPO

PANEN

PNP

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with