^

PSN Opinyon

Lumabas sa lungga si Hello Garci

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ISYU ngayon ang paglutang sa Pinas ni Hello Garci kung saan man siya nagtago noon ay kinalimutan na ito ng tadhana, basta ang important ay palabas na siya ng lungga niya. Ika nga, lulutang na!

Sangkatutak ang natalong pulitiko sa kamindanawan at ang feelings nila dinaya sila ni Hello Garci. Kaya naman nanggagalaiti sa galit ang karamihan sa kanila. Sabi nga, gustong bawian si Hello Garci.

Ang problema nga lang, tapos na ang eleksyon! Sabi nga, better luck next time. He-he-he!

May batas tayong dapat ipatupad kaya kailangan itong sundin, mahirap man o mayaman, bakla o tomboy, bata o matanda, may baktol o wala, basta no body is above the law.

Sabi nga, pantay-pantay lahat ang Noypi sa butas, este mali, batas pala na ipinatutupad ng Pinas.

Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO ang tatanungin regarding Hello Garci, panahon na siguro para siya lumutang at magsalita ng totoo. Ika nga, walang labis, walang kulang! Sabi nga, truth shall prevail!

Gusto kasi ng Noypi ang katotohanan sa nangyaring dayaan regarding sa 2004 Presidential election.

Kaya naman kung magsasabi lang ng katotohanan si Hello Garci, tiyak tatanggapin ulit siya ng masang Pinoy.

Sabi nga, igagalang nang husto!

"Bakit ba urong-sulong si Hello Garci?" tanong ng kuwagong manlalait.

"Kumukuha lang siya ng tiyempo para kapag lumutang, maganda ang drama," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Bakit pang true-to-life story ba ang gagawing drama ni Hello Garci?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Iyan kamote ang itanong mo sa kanya!"

BAKIT

GARCI

HELLO

HELLO GARCI

IKA

KAYA

NOYPI

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with