I-text nyo, babasahin ko!
November 21, 2005 | 12:00am
NAGPAPASALAMAT kami sa mga nagpapaabot sa amin ng mga paghanga at papuri sa aming mga ginagawa sa BITAG. Ito ay sa pamamagitan ng mga ipinadadalang text messages sa aming BITAG Hotline at e-mail.
Subalit higit naming binibigyan ng pansin yung mga nagpapadala ng text at e-mail na nagagalit sa aming mga ginagawa. Yun bang, pati ang kanilang INA ay minumura na, dahil sa matinding galit.
Kung anuman ang dahilan ng kanilang galit sa amin. Ito lang ang masasabi ko sa inyo, thank you and we love you !
Sa aming programa ng aking kapatid sa UNTV, ang BAHALA sina BEN at ERWIN na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing alas-9:00 hanggang alas-10:30 ng umaga. Madalas natatanggap namin ang mga mensaheng nakapagpapagana sa aking maghapon.
Itoy tulad ng mensaheng, Mr. Tulfo, ang yabang nyo, puro kayo ngawa at wala naman sa gawa!; Mr. Tulfo, mag-ingat ka at bilang na ang araw mo! at Isang bala lang ang katapat mo!
Akoy natutuwa sapagkat nagagalit man sila sa akin, subalit alam kong kabilang sila sa aking mga tagasubaybay at tagapanood.
At higit sa lahat, kapag ganitong mensahe ang aking natatanggap, nabubuhay ang aking mga ugat at dugo. Madaling salita, akoy sumisigla sa aking trabaho.
Ang dahilan nito, nalalaman kong EPEKTIBO ang aking mga ginagawa. Dahil ang mga nagpapadala ng ganitong mensahe, kabilang sa aming tinutugis at mga
NASAGASAAN. Natatakot silang tuluyang sumingaw ang BANTOT na kanilang mga itinatago.
At kung hindi naman kaya, maaaring silay NASASAKTAN dahil merong UMAARAY sa kanilang mga kabalahibo at katribu.
Kaya sa ikaliligaya ng mga nagpapadala sa amin ng ganitong mensahe. Sige! Ipagpatuloy nyo! I-text nyo lang at babasahin ko!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest