Kristong Hari
November 20, 2005 | 12:00am
NGAYON ang huling Linggo ng pangliturhiyang kalendaryo ng 2005. At ngayon din ipinagdiriwang ang kapistahan ni Kristo bilang Hari.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi lamang Hari, kundi Hari ng mga Hari. At ang ating Hari ay isang Mabuting Pastol. Kung kayat ang mga pagbasa sa ating liturhiya ngayon ay tungkol sa Diyos na isang Pastol-Hari (Unang Pagbasa), ang paghahari ni Jesus (Ikalawang Pagbasa mula sa unang sulat ni Pablo sa mga taga-Corinto) at ang paghuhusga ni Jesus batay sa pag-ibig na ipinamamalas at isinasabuhay ng mga tao (ang Ebanghelyo).
Tunghayan natin ang Unang Pagbasa mula sa aklat ni Ezekiel (Ez. 34:11-12,15-17).
"Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa. Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko hahanapin ang aking tupa. Kukunin ko sila saanman sila itinapon noong panahon ng kanilang kasamaan. Ako mismo ang magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang pahingahan. Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, at babantayan ang malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang kailangan nilang pagkain."
Sa ating pagninilay sa 2005, at kung tayoy huhusgahan ni Jesus ngayon, masasabi ba natin na ang 2005 ay naigugol natin upang tunay na maisabuhay ang inaasahan sa atin ng ating Panginoon ang pangangalaga ng mga mahihirap nating kapwa, pagsulong sa mga gawaing pangkatarungan at pangkapayapaan?
Matiwasay ba nating maaako na pinapaghari natin ang Diyos sa ating buhay sa ating araw-araw na mga gawain at pamumuhay? Buo ba ang ating pagtitiwala na ang ating Diyos ang tunay na makapangyarihan at naghahari sa ating buhay?
Maligayang kapistahan sa lahat ng mga parokya sa buong Pilipinas na itinalaga sa ating Kristong Hari!
Papuri at pasasalamat kay Jesus na ating Kristo at Hari! At sa lahat ng ating mambabasa, pagpalain kayo ng ating Panginoong Jesus, Hari ng mga Hari!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest