^

PSN Opinyon

Asian Spirit, repeat performance

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI lang isa kundi dalawang beses pa nangyari ngayon linggo ang palpak na eroplano ng Asian Spirit.

Noong Lunes, 37 sa mga pasahero nito ang halos atakihin sa puso nang sumadsad ang four engine British aerospace BAE-146 domestic aircraft ng Asian Spirit flight 6K 587 na lumipad patungong Samar from Manila Domestic Airport. Ang masama pagdating ng Asian Spirit aircraft sa Catarman airport nakamote ang main landing gear ng airplane.

Sa halip na sa runway ng paliparan lumanding ang Asian Spirit airplane sa rice field ito napadpad na parang mag-aararo. Ang buong akala ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Samar ay kalabaw ang nakita nito sa bukid iyon pala eroplano.

Pupungas-pungas din daw kasi ang nguso ng aircraft tulad ng nguso ng kalabaw. Sabi nga, ang pinagkaiba wala nga lang tali ang eroplano. He-he-he!

Kaya naman pasok sa scene ang Air Transportation Office para mag-imbestiga sa pangyayaring aberya. Yesterday morning nagulantang naman ang may 40 passengers ng Asian Spirit from Caticlan, Aklan papuntang Manila dahil nasira naman ang nose steering wheel matapos toits lumanding sa runway 13-31 sa NAIA.

Sa kuwento ni Engineer Octavio ‘‘Playboy’’ Lina, bossing ng Airport Ground Operations, ang aircraft ng Asian Spirit na nagka-problem ay isang Cessna CN 235 na may tail number bilang RPC-4000.

Maayos naman pala nang lumapag ito sa runway 13-31 sa NAIA around 9:43 in the morning pero ang problem lang nang lumiko ito papuntang Manila Domestic Airport ay nakamote ang steering wheel na naging dahilan para ihinto ng piloto ang eroplano sa gitna ng kahihiyan este mali runway pala para maiwasan ang malaking problema sa puso ni Bing este mali aberya pala.

Mabilils as Speedy Gonzales na rumesponde ang Safety Patrol ng MIAA upang alala-yan ang mga pasahero sa kanilang pagbaba habang hinila naman ang eroplano sa Delta Hangar upang hindi makaabala sa mga parating at paalis pang aircraft.

‘‘May airworthiness ba ang eroplano ng Asian Spirit?’’ tanong ng kuwagong pilotong duling.

"Siyempre matagal na ito sa aviation security guard este mali industry pala,’’ anang kuwagong manananggal.

‘‘Basta para sa Chief Kuwago safe pa ring sumakay sa eroplano ng Asian Spirit!’’ sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Eh, bakit mukhang take 2 na yata ang kapalpakan ng eroplano ng Asian Spirit,’’ naiinis na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Iyan kamote ang itanong mo sa ATO.’’

AIR TRANSPORTATION OFFICE

AIRPORT GROUND OPERATIONS

ASIAN

ASIAN SPIRIT

CHIEF KUWAGO

DELTA HANGAR

ENGINEER OCTAVIO

EROPLANO

MANILA DOMESTIC AIRPORT

SPIRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with