Bagamat nakapagtataas ng kilay kung bakit kailangang pang kumuha ng consultant ang gobyerno para lamang madurog ang mga "buwaya" meron din naman marahil makukuhang leksiyon kay Kwok. At payo nga ni Kwok, kailangan daw magkaroon nang maraming field investigator para ganap na mabantayan ang mga magnanakaw sa pamahalaan. Ayon kay Kwok noong siya pa ang lider ng graft busters sa Hong Kong, isang imbestigador ang inilagay niya para mabantayan ang 287 corrupt na empleado at opisyal ng gobyerno. At ayon pa kay Kwok malaki ang inilalaang pondo sa kanyang pinamumunuang komisyon kung kaya naman naging madali ang pagdurog sa mga "buwaya" roon.
May katwirang humiling si Kwok sa Office of the Ombudsman ng karagdagang mga field investigators sapagkat 37 lamang ang nagbabantay sa mga "buwaya". Yes! Ganyan kaunti ang mga nagbabantay sa mga gutom na buwaya sa maraming tanggapan ng pamahalaan. Hindi na nakapagtataka kung marami ang magnanakaw sapag-kat hindi na sila kayang tingnan pa ng iilang imbestigador. May katwirang humiling si Kwok dahil sa ganitong kalagayan. Paano nga naman mawawalis ang mga corrupt kung kakaunti ang mga nagbabantay?
Tinatayang nasa 1.5 million ang mga govern-ment officials and employees at masyadong mahirap para sa 37 field investigators para sila bantayan. Kailangang hawiin muna ang mga opis-yal at empleado bago makita ang 37 imbestigador. Ano ba yan?
Kailangan ng karagdagang graft busters para maisakatuparan ang pangarap ng pamahalaan na mawasak ang corruption. Ang problemang ito ang kailangang magawa ng bagong itatalagang Ombudsman sa November 30 kapalit ng nagbitiw na si Simeon Marcelo. Kailangan din namang magpakita ng tapang ang bagong Ombudsman.