^

PSN Opinyon

Ang pingot na plato

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Sa tuwing kakain sa aming tahanan

Ay iisang plato ang nakakainan;

Ito ay malapad at malaking tingnan

Kasyang-kasya rito ang kanin at ulam!

Nakapagtatakang sa tuwing kakain

Ang naturang plato ang napapahain;

Pag sumasandok na ng ulam at kanin

Ang plato ring ito magnetong kuhanin!

Sa hanay ng platong nasa paminggalan

Laging nadarampot ang platong makinang;

Naakit ako sa magandang design

Bulaklak at dahon sa may tagiliran!

Sila’y pitong platong ang uri’y iisa

At pare-pareho ang disenyo nila;

At sa pitong ito’y laging napupunta

Sa mga kamay ko ang platong kaiba!

Kaya ninais kong ngayon ay sulatin

Ang nasabing platong nasok sa damdamin:

Hindi naman basag ay may pingot mandin

At hindi rin mantsa o parteng maitim!

Marahil kung kaya ang plato’y naukol

Sa aking pagkain kapag nagugutom;

Ang naturang pingot nagsisilbing hukom

Sa nagawang mali ay parusa ngayon!

Dahil ang buhay ko ay hindi perpekto

May nagawang lisya nang kasikatan ko;

Sapagka’t mahina ay natukso ako’t

Sa ibang bulaklak ako’y nakisamyo!

Ngayon ay tapos na panahong nagdaan

Kaya tapos na rin mga kabaliwan;

Ang pingot na plato sa aming tahanan

Ay pagkakasalang hukay ang naiwan!

BULAKLAK

DAHIL

KASYANG

KAYA

LAGING

MARAHIL

NAAKIT

NAKAPAGTATAKANG

NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with