Panganib ng paninigarilyo
November 6, 2005 | 12:00am
WALANG makukuha sa paninigarilyo kundi sakit. Parang ikaw na rin ang bumili sa sariling kamatayan. Kamakailan lamang isang kaibigan kong abogado ang namatay dahil sa sobrang paninigarilyo. Dinapuan siya ng emphysema at matagal siyang na-ospital. Naghirap ang kanyang pamilya dahil sa pagpapagamot. Ang premyadong aktres na si Miss Rita Gomez na chain-smoker ay namatay sa lung cancer. Isa pang magaling na film-TV director ang muntik nang mamatay kung hindi niya inihinto ang paninigarilyo.
Ang paninigarilyo ay dahilan ng cancer pero sobrang matigas ang ulo ng iba kahit na may mga babala ay sige pa rin sa paninigarilyo. Bukod sa kanser natuklasan na ang paninigarilyo ay nakakabaog sa kalalakihan. Isang study ang inilunsad sa Buffalo Medical School sa USA ang nag-ulat na ang sperm cell o similya ng mga lalaking naninigarilyo ay mahinang kumakapit sa egg cell kaugnay ng reproduction. Ilang lalaking naninigarilyo ang sinuri at napatunayan na maliit ang kakayahan nilang makapag-fertilize ng kanilang similya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest