^

PSN Opinyon

Tumiklop ang mga peryahan sa Pasig City pero sumulpot naman sa Marikina

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BINAKLAS na ang peryahan ni Romy Caloocan sa Barangay Rosario sa Pasig City. Hindi ito isinara dahil sa police operations mga suki kundi dahil sa abot langit ang hinihinging intelihensiya kay Ka Romy nga. At sa paglisan ni Ka Romy sa Rosario, ang bukambibig niya ay hindi nakayanan ang hinihinging intelihensiya ng bagong promote na si Sr. Supt. Melvin Buenafe, ang intelligence chief ng Eastern Police District (EPD). Kaya si Ka Romy ay lumipat na sa Taytay, Rizal doon sa kaharian ni Sr. Supt. Freddie Panen, ang Rizal PNP director para hindi siya maabot ang hagupit ni Buenafe. Kaya sa paglisan ni Ka Romy sa Pasig City, naiwang nakatingala sa wala ang mga operating units ng CIDG, NCRPO, Pasig City police at EPD nga. Bukambibig ng mga kolektor ng nasabing mga unit sa ngayon ang pangalan ni Buenafe. He-he-he! Sa sobrang sikat ni Buenafe ngayon, tiyak ang panalo niya kapag tumakbo siya sa pulitika.

Kung tumiklop ang peryahan sa Pasig City, aba nagsulputan naman ito sa siyudad ni Mayor Marides Fernando sa Marikina City. Ang peryahan ni Arlene na nakabase sa Quiapo, Manila ay nandon mismo sa gilid ng PCP 9 ng Marikina City police at barangay Hall sa Barangay Parang samantalang ang kay alyas Rosa naman ay sa River Bank sa Barangay Sto. Niño. Kahapon lang nagsimulang mag-operate ang 12 lamesa na may palarong color games at number games sa peryahan ni Arlene at nakatunganga lang at walang ginawa sina PCP 9 chief Maj. Briones at chairwoman Vicky Favis para masawata ito. Mukhang nabahingan na rin sina Briones at Favis ng grasyang dala ni Henio, ang namamahala sa intelihensiya ni Arlene. He-he-he!

Napaligiran din ng tiangge ang peryahan ni Arlene kaya’t tabo tiyak dito sina Briones at Favis.

Ang peryahan naman ni Rosa ay umaandar na subalit hinihintay pa nito ang pagbubukas ng tiangge doon sa Nov 16 bago buksan ang kanilang larong sugal. Tatlong malalaking peryahan ang tinatayo ni Rosa doon kaya’t tiyak tiba-tiba rin siya.

Ang tanong sa ngayon mga suki, bakit nagsulputang parang kabute ang mga peryahan sa siyudad ni Fernando sa ilalim ng liderato ni Sr. Supt. Manny Gaerlan, hepe ng pulisya ng Mari- kina City. Tiyak na may pakinabang din si Gaerlan at mga sibilyan niyang alipores dito kina Arlene at Rosa, anang mga suki ko sa siyudad ni Fernando.

Kaya magsisilbing isang malaking hamon ang mga peryahan nina Arlene at Rosa sa kakayahan ni Gaerlan na dating bata ni Presidente Ramos, di ba mga suki? Kapag hindi niya napahinto ang mga peryahan, tiyak maakusahan siyang pera-pera lang ang lakad niya, dahil panay din hambalos, lalo na sa droga, ng mga sibilyan na bitbit niya.

Hindi lang si Gaerlan ang dapat maging mabangis sa peryahan nina Arlene at Rosa. Eh kung napahinto ni Buenafe ang peryahan ni Ka Romy sa Pasig City, wala na siyang dahilan pa para hindi niya hagupitin ang peryahan sa Marikina, di ba mga suki? Kapag patuloy kasing nag-ooperate ang mga peryahan nina Arlene at Rosa, ibig sabihin niyan may kinikilingan si Buenafe. O dili kaya’y nakayanan nina Arlene at Rosa ang abot langit na weekly intelihensiyang hinihingi ni Buenafe, di ba mga suki? Abangan!

ARLENE

BRIONES

BUENAFE

CITY

GAERLAN

KA ROMY

PASIG CITY

PERYAHAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with