^

PSN Opinyon

Ano po ba ang diuretics?

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ISANG sulat ang aking natanggap mula sa mambabasa at nagtatanong tungkol sa diuretics. Natalakay ko na ang paksa sa diuretics may isang taon na ang nakararaan at para sa kapakanan ng reader, narito ang tungkol sa diuretics.

Ang diuretics ay mga drugs na nag-aalis ng fluid at salt sa katawan. Ang mga natural diuretics ay kinabibilangan ng caffeine, asparagus, parsley at celery. Specifically, ipini-prescribed ang diuretiucs upang pababain ang blood pressure at upang ma-treat ang sakit sa puso at iba pang karamdaman. Nare-reduce ng dieuretics ang fluid at salt sa katawan at ganoon din ang sintomas ng edema – fluid retension na karaniwan sa mga paa at sakong. Ang epekto nito ay maaaring bedramatic sapagkat namamaga ang mga paa at kamay. Unfortunately many diuretics also stimulate calcium excretion and may promote mineral loss from the bones. Maaaring maging dahilan din ito ng pagkawala ng potassium sa ihi. Ang mababang level ng potassium sa dugo ay maaaring maging dahilan nang hindi magandang side effects gaya halimbawa ng pagkawala ng lasa sa pagkain, constipation, muscle weakness, memory loss at confusion. Ang kawalan ng potassium sa katawan ay maaaring maging dahilan nang hindi magandang functions ng puso. If you are taking diuretics, it is important to take plenty of food sources of potassium, unless your doctor advices you against doing so.

Ang saging at patatas ay mainam na pinanggagalingan ng potassium. Dahil ang isa sa mga functions ng diuretics ay para ma-eliminate ang salt, ang pagkain ng mga salty foods ay ipnagbabawal. Gumamit lamang ng kaunting asin, iwasan ang mga smoked na pagkain na gaya ng bacon, stock cubes at iba pang pagkain na may mataas na levels ng additives based on salt and sodium.

Sana ay naliwanagan ng reader na nagtatanong tungkol sa diuretics.

vuukle comment

DAHIL

DIURETICS

GUMAMIT

MAAARING

NATALAKAY

PAGKAIN

POTASSIUM

SALT

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with