Ayon naman Sa Aklat Sisikat Foundation, sinabing 62 percent lamang sa mga elementary school students ang maaaring makapag-high school. Sa kasalukuyan, tinatayang may 13 milyong elementary school students sa buong kapuluan at ang 12 million ay naka-enrol sa public school. Nakadidismaya na 62 percent lamang ang makapagha-high school. Ano ba ito At kung malaki ang porsiyento ng mga hindi makapag-high school, mas lalo na marahil na mas malaki ang hindi maaaring makapag-college.
Maraming dahilan kung bakit masyado nang mahihina ang mga estudyante lalo pa ang mga nasa public schools. Unang-una na ang kahirapan ng buhay. Kulang sa sustansiya ang kinakain ng mga bata. Ikalawa ay ang kakulangan ng mga pasilidad sa schools. Kulang sa classrooms, libro, at iba pa. Ikatlo ay ang kahinaan ng mga guro. Maraming guro sa kasalukuyan ang kulang na kulang sa kaalaman at hindi dapat magturo. Tama ang pag-aaral na ginawa ng Kaakbay na maraming guro sa public schools ang walang karapatang magturo.
Problema rin namang maituturing ang kakulangan ng mga guro sa public schools. Maaaring ang mga mahuhusay na guro ay nagsipagbitiw na sa puwesto at ninais na lamang na magpaalila sa ibang bansa. Maraming guro ang nagdi-DH sa Hong Kong, Italy, Singapore at iba pang bansa. Mas malaki ang pagkakataon nilang umunlad doon sapagkat mas malaki ang kanilang kita.
Nakadilat ang katotohanang maraming estudyante ang hindi handa para mag-high school at college. Marami sa kanila ang mahina ang kukote. At hindi bumababa ang kanilang bilang kundi tumataas pa. Gobyerno ang makalulutas ng problemang ito. Magsagawa ng dagliang paraan para maluna-san ang kahirapan ng buhay at mag-hire ng mga mahuhusay na guro para mai-guide ang mga estudyante. Maisasalba pa ang mga mahihina ang kukote.