4,775 OFWs naging POWs (Prisoner Overseas Workers)
October 28, 2005 | 12:00am
MARAMING natutuksong ituring lang silang estadistika. Halimbawa, na 7.5 milyon sila sa anim na kontinente, na nagre-remit ng $9.5 bilyon sa Pilipinas kada taon, kaya lumalabas na pinaka-malagong export ng bansa.
Pero mga tao sila, mga may minamahal at nagmamahal na iniwan sa malayong dampa, upang mabigyan ang pamilya ng kasaganahang hindi makamit sa sariling bansa. Sa kabila ng estadistikang 6,000 sa kanila ang umaalis kada araw, may mga magulang, asawa o anak na nalulungkot. Sa kabila ng ganyang dami, natural lang na may anim sa kanilang umuuwi araw-araw na naka-kabaong, at sa kabila ng estadistikang yon ay mga pamilyang nagdadalamhati. Sa kabila ng estadistikang $100 kada isa kada buwan ang padala nila sa Pilipinas ay ang hirap sa trabaho at panganib o agam-agam sa pagtira sa ibang bansa, klima at kultura.
Sa eksenang ito ko ipapasok ang isa pang estadistika, na nalinang ni Sen. Ralph Recto: 4,775 palang Overseas Filipino Workers ang nakakulong ngayon sa samut-saring sala o hinala sa North at South America, Europe, Africa, Australia at Asia. Ang mga kinalalagyang lugar ay ni hindi man lang halos nakikilala, at ang mga kaso ng ilan ay ni hindi tinuturing na krimen sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay hindi halos matulungan ng 82 konsulado ng Pilipinas, dahil kokonti ang pondo sa pasahe o pasalubong, at lalo na sa pag-upa ng abogado. Pinaka-dagsa ang nakapiit sa Malaysia dahil sa kampanya sa illegal residents sa Sabah, pero marami rin sa Middle East sa gitna ng desyerto, o sa nagyeyelong Arctic at kabundukang Andes. Mga engineer o nurse o skilled worker o housewife sila; 1,103 ay babae mga asawa, ina, anak, kapatid. Naging Prisoner-Overseas Workers.
Hindi maiiwasan ang estadistika sa pag-aaral ng ekonomiyat bansa. Halimbawa, ang bagong pagsusuri na dalawa sa bawat tatlo sa 159 bansa ay tiwali ang gobyerno, at Pilipinas ang isa sa pinaka-talamak. Nakawan sa gobyerno, tinatantiya sa P60-80 bilyon kada taon (isa uling estadistika), ang isa sa sanhi ng kahinaan ng ekonomiya na nag-uudyok ng paglisan ng OFWs. At lahat tayo, sa estadistika, ay may kamag-anak na OFW.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended