Sa harap ng ating kahinaan
October 26, 2005 | 12:00am
NAITANONG nyo na ba sa inyong sarili kung bakit minsan, sa kagustuhan ninyong makagawa ng kabutihan, ay doon pa lalo kayo nagkakamali at nakakagawa ng kasamaan?
Iyon ang tinatawag na "kahinaan" ng tao. Sa ating isip ay kumbinsido tayo na dapat gumawa ng kabutihan, at tama ang gumawa ng kabutihan. Ngunit ang mga ikinikilos natin, pati na ang ating sinasabi, ay taliwas sa mga mabubuting intensiyon natin.
May tugon si San Pablo sa ganoong pangyayari na bahagi ng Unang Pagbasa sa ating liturhiya ngayon (Rom. 8:26-30).
"Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang hindi magagawa ng pananalita. At nauunawaan ng Diyos na naka-sasaliksik sa puso ng tao, ang ibig sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espirituy lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos.
"Alam natin sa lahat ng bagay, ang Diyos ang gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mulat mula pay alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga itoy itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayon, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan."
Kaya sa harap ng ating kahinaan, huwag manghinawang manalangin sa Banal na Espiritu. Sa gayon, sa ating pagsusumikap, siya mismo ang luluhog sa Diyos upang tayoy tulungan sa panahon ng ating kahinaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest