Hindi pa kami tapos sa OILINK International Corporation
October 19, 2005 | 12:00am
HUMIHINGI ng paumanhin ang kolum na ito sa pagkakahinto ng aming exposé hinggil sa pamemeke at pandaraya sa custom duties ng kumpanyang OILINK International Corporation.
Mas malalimang imbestigasyon ang aming isinasagawa sa kasalukuyan laban sa naturang kumpanya at sa ginagamit nitong bogus na kumpanyang Suns Trading sa lalawigan ng Bataan.
Nililinaw ng kolum na ito, hindi kami nanahimik sa aming pagbubunyag dahil sa anumang dahilan. Dahil dito, wala ring dapat ipag-piyesta ang mga opisyal at mga direktor ng OILINK International Corporation dahil di pa tapos ang BITAG laban sa inyo. Abangan sa susunod na mga isyu ng kolum na ito!
Maraming reklamo na ang natatanggap ng aming tanggapan hinggil sa umanoy lantaran at garapal na robbery extortion na ginagawa ng ilang miyembro ng traffic enforcers ng Makati City.
Partikular na inirereklamo ng mga nabibiktima ng extortion ang tatlong kolokoy na miyembro ng MAPSA na nakatalaga diyan sa kanto ng Edison at Finlandia, Makati City. Pawang mga professional ang mga nabibiktima ng tatlong hunghang.
Kabilang sa lumapit sa amin ang isang doktora at driver ng isang engineer. Halos magkapareho ang kanilang salaysay sa modus ng mga dorobong miyembro ng MAPSA.
Sa aming on-cam interview sa dalawang biktima, positibo nilang itinuro ang isang nagngangalang BONILLA na umanoy nanghuli sa kanila at nangotong.
Hindi po kasi mapapansin yung traffic sign na nakakabit sa kanto ng Edison at Bautista streets kaya kapag nagmama-dali kayo, tiyak mapapaderetso kayo palabas ng Buendia Avenue. Magugulat na lamang kayo dahil biglang lilitaw si Bonilla para hulihin kayo. Ayon sa salaysay ni Dra. Iyang.
Dahil dito, agad naming isinagawa ang surveillance operation sa itinurong lugar at mga traffic enforcers. Positibo ang inilapit sa aming reklamo. Bunsod nito, nakipag-ugnayan agad ang aming grupo sa Criminal Investigation and Detection Group-Southern Police District (CIDG-SPD).
Subalit sa isinaga-wang operasyon ng BITAG at ng CIDG-SPD, nakalusot man ang inireklamong si BONILLA, hindi pa rin nangangahulugang lusot ka na sa aming patibong. Abangan ang detalye nito sa aming T.V. investigative program, ang BITAG!
Mas malalimang imbestigasyon ang aming isinasagawa sa kasalukuyan laban sa naturang kumpanya at sa ginagamit nitong bogus na kumpanyang Suns Trading sa lalawigan ng Bataan.
Nililinaw ng kolum na ito, hindi kami nanahimik sa aming pagbubunyag dahil sa anumang dahilan. Dahil dito, wala ring dapat ipag-piyesta ang mga opisyal at mga direktor ng OILINK International Corporation dahil di pa tapos ang BITAG laban sa inyo. Abangan sa susunod na mga isyu ng kolum na ito!
Partikular na inirereklamo ng mga nabibiktima ng extortion ang tatlong kolokoy na miyembro ng MAPSA na nakatalaga diyan sa kanto ng Edison at Finlandia, Makati City. Pawang mga professional ang mga nabibiktima ng tatlong hunghang.
Kabilang sa lumapit sa amin ang isang doktora at driver ng isang engineer. Halos magkapareho ang kanilang salaysay sa modus ng mga dorobong miyembro ng MAPSA.
Sa aming on-cam interview sa dalawang biktima, positibo nilang itinuro ang isang nagngangalang BONILLA na umanoy nanghuli sa kanila at nangotong.
Hindi po kasi mapapansin yung traffic sign na nakakabit sa kanto ng Edison at Bautista streets kaya kapag nagmama-dali kayo, tiyak mapapaderetso kayo palabas ng Buendia Avenue. Magugulat na lamang kayo dahil biglang lilitaw si Bonilla para hulihin kayo. Ayon sa salaysay ni Dra. Iyang.
Dahil dito, agad naming isinagawa ang surveillance operation sa itinurong lugar at mga traffic enforcers. Positibo ang inilapit sa aming reklamo. Bunsod nito, nakipag-ugnayan agad ang aming grupo sa Criminal Investigation and Detection Group-Southern Police District (CIDG-SPD).
Subalit sa isinaga-wang operasyon ng BITAG at ng CIDG-SPD, nakalusot man ang inireklamong si BONILLA, hindi pa rin nangangahulugang lusot ka na sa aming patibong. Abangan ang detalye nito sa aming T.V. investigative program, ang BITAG!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended