^

PSN Opinyon

‘At sa Diyos ang sa Diyos…’

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KUNG minsan, nalilimutan natin kung ano ang ating prayoridad sa buhay. Mas mahalaga ang trabaho, kaysa magpahinga. Mas mahalaga ang pera, kaysa pamilya. Mas mahalaga ang mapuri ng ibang tao, kaysa magpahayag ng katotohanan. Mas mahalaga ang may kapangyarihan, kaysa gumawa ng makatarungang bagay.

May paalaala sa atin ang Ebanghelyo para sa araw na ito (Mateo 22:15-21).

Umalis ang mga Pariseo at pinag-usapan kung paano nila masisilo si Jesus sa kanyang pananalita. Kaya pinapunta nila sa kanya ang ilan sa kanilang mga alagad, kasama ang ilang tauhan ni Herodes. Sinabi nila, "Guro, nalalaman naming ikaw ay tapat, at itinuturo mo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao. Ano po ang palagay mo? Naaayon ba sa Kautusan na bumuwis si Cesar, o hindi?" Ngunit batid ni Jesus ang kanilang masamang layon kaya sinabi Niya, "Kayong mapagpaimbabaw! Bakit ibig ninyo akong siluin? Akin na ang salaping pambuwis." At binigyan ng isang denaryo. "Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?" tanong ni Jesus. "Kay Cesar po." Sinabi ni Jesus "Kung gayon, ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos." Namangha sila nang marinig ito, at sila’y umalis.

Kung nauunawaan natin na tayo’y nilikhang kalarawan ng Diyos, samakatuwid ang ating dapat na mga gawain, kilos at pamumuhay ay maka-Diyos at para sa Diyos. Ang mahirap, at nagiging problema, ay kung tayo mismo ay nagkakaroon ng ibang diyus-diyosan, o di kaya nama’y nag-aasta na animo’y isang diyos.

Iadya sana tayo sa mga ganitong uri ng pag-uugali at pamumuhay. At ibigay sa Diyos, na ating Tagapaglikha, ang tunay na paggalang, pagdakila at pagmamahal.

ANO

BAKIT

DIYOS

EBANGHELYO

GURO

HERODES

IADYA

KAY CESAR

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with