^

PSN Opinyon

Res judicata at litis pendentia

- Al G. Pedroche -
SABI ng kilala kong abogado, ang res judicata ay usapin sa pagitan ng dalawang disputing parties na nadisisyunan na at hindi na puwedeng isampa uli sa hukuman for adjudication. Samantala, ang litis pendentia raw ay may pending litigation.

Ang dalawang legal terms na ito ang batayan ng mosyon para idismiss ang reklamo ni Enrique Locsin na nagsasabing siya’y legal na kinatawan ng Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) at ng subsidiary nito na Philippine Communications Sate- llite Corp. (PHILCOMSAT). Ang reklamo ay paglabag daw sa anti-graft and corrupt practices act laban sa grupo ni Victor Africa, presidente ng POTC at Philcomsat. Si Locsin ay kasama sa kampo ni Manuel Nieto na nagsasabing sila ang legal na tagapamahala sa mga naturang kompanya gayung may final ruling na ang Mataas na Hukuman na ang grupo ni Africa ang legal na tagapamahala ng mga nasabing kompanya. Kumatig ang Korte Suprema sa grupo ni Africa matapos ang mahabang legal battle.The SC’s ruling is final and execu-tory. Res judicata.

Kaya nagsampa ng motion to dismiss ang kampo ni Africa sa pangunguna ng mga corporate secretaries na sina Atty. Victoria delos Reyes ay John Benedict Sioson sa Sandiganbayan na anila’y walang jurisdiction sa kaso. Sa reklamo ni Locsin, kinaladkad ang pangalan ni Africa pati na ang dalawang abogado sa asunto for misrepresenting themselves ay directors and officers of Philcomsat and POTC. Ang katuwiran nina delos Reyes at Sioson ay "hindi naman kunektado sa pamahalaan ang mga inaakusahan" kaya walang hurisdiksyon ang Sandiganbayan.

The two lawyers noted that the exclusive jurisdiction of the Sandiganbayan is over cases filed by the PCGG o kaya’y ng sino man na kumukuwestyon sa ano mang utos o desisyon ng naturang komisyon.

Sa pinal na promulgasyon ng Korte Suprema, kinatigan nito ang compromise agreement ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng yumaong Potenciano Ilusorio tungkol sa 5,499 shares ng POTC. Sa mga shares na ito, 4,727 shares ang ibinigay sa gobyerno o 35 porsyentong pagmamay-ari sa POTC kasama ang isa pang 35 porsyentong interes sa Philcomsat na isang subsidiary ng POTC. Pinawalang saysay ng Korte ang stockholders’ meeting at eleksyon na ginanap ng grupo ni Manuel Nieto, Jr. para sa pangasiwaan ng POTC at Philcomsat.

Kaya base sa pinal at balidong ruling ng SC, walang "K" si Locsin na magsampa ng ganyang kaso na sa tingin ko’y tahasang pag-undermine sa desisyon ng Mataas na Hukuman.

ENRIQUE LOCSIN

GOOD GOVERNMENT

HUKUMAN

JOHN BENEDICT SIOSON

KAYA

KORTE SUPREMA

LOCSIN

MANUEL NIETO

PHILCOMSAT

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with