^

PSN Opinyon

Kumain ng repolyo, singkamas, at mustasa para di magka-goiter

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MAYROON tayong thyroid gland. Ito ay makikita sa may bahaging lalamunan. Ang thyroid gland ang nagpoproduce ng iodine na may hormones na kumukontol sa metabolic rate ng katawan. Ang metabolic rate ay ang bilis kung saan ang pagkain at oxygen ay sinusunog para makalikha ng energy para sa paglaki, exercise at stress. Ang kakulangan ng iodine sa katawan ang dahilan kung bakit Endimic goiter.

Ang goiter para sa hindi pa nakaaalam ay ang paglaki ng thyroid gland. Bihira ang kaso ng goiter sa developing world at karaniwang nagkakaroon lamang ay ang may kakaunting in-take ng iodine. Dapat ma-increased ang pagkunsumo sa iodine para sa thyroid hormones. Sa mga developed na bansa, ang goiter ay sinasabing resulta ng auto-immune diseases na sumisira sa functioning ng thyroid gland. Ang hypothyroidism ang tawag sa underactive thyroid gland na nagiging dahilan sa pagbagal ng metabolism. Makadarama ng panghi- hina, makakalimutin, pagbigat ng timbang, sensitive sa lamig at nanunuyo ang balat at buhok ang sintomas nang may mababang iodine.

Nararapat na dagdagan ang konsumo ng iodine para maiwasan ang ganitong problema. Mayaman sa iodine ang isda, seaweed, itlog, yoghurt, keso at iodize salt. Mahusay din ang repolyo, singkamas, mani, mustasa at mga matatamis na pagkain. Nagagawa ng mga pagkaing ito na magamit ang iodine para sa production ng thyroid hormones.

vuukle comment

BIHIRA

DAPAT

ENDIMIC

IODINE

MAHUSAY

MAKADARAMA

MAYAMAN

NAGAGAWA

THYROID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with