^

PSN Opinyon

Kapayapaang hindi maibibigay ng mundo

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA pakikisangkot natin sa mga usaping pangkatarungan at pangkapayapaan, mainam na alalahanin na may bagay na kailanma’y hindi makakamtan sapagkat sadyang limitado ang tao. Subalit ang limitasyon at kakulangan ng tao ay hindi dapat maging dahilan upang hindi natin pagpunyagian ang mga bagay-bagay na kaya nating lutasin, sapagkat ang ganitong mga gawain ay tungkulin natin bilang mga tagasunod ni Jesus.

Mainam na alalahanin din natin na kapag tayo’y kumikilos upang magkaroon ng katarungan at kapayapaan sa ating pamayanan, ang ating mga pagkilos ay dapat naaayon sa ating mga kahalagahan bilang mga Kristiyano at naaayon din sa mga umiiral na batas sa ating lipunan.

Sa pagharap sa mga usapin, paglutas ng mga suliranin at sa pang-araw-araw na pamumuhay natin, magandang isaalang-alang ang mga gabay na sinabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos, na bahagi ng Ikalawang Pagbasa sa ating liturhiya ngayong Linggong ito (Fil. 4:6-9).

"Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang hindi malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Jesus.

"Sa wakas, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: Mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig, at nakita sa akin. Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan."

BAGAY

DIYOS

FILIPOS

HUWAG

IKALAWANG PAGBASA

ISAGAWA

KRISTIYANO

LINGGONG

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with