^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paano ba magtiis at magtipid?

-
MAHIGIT dalawang buwan na ang nakararaan, sinabi ni President Arroyo na pinapalitan na niya ang mga ginagamit na bumbilya sa Malacañang. Ang ipinalit ay ang may mas mahinang wattage. Ito ayon sa Presidente ay isang hakbang para makapagtipid sa kunsumo ng enerhiya. Isa rin daw itong halimbawa sa sambayanan para gayahin. Ipinag-utos niya ang pagtitipid sa mga tanggapan ng pamahalaan at nagtalaga pa ng mga taong sisilip sa mga hindi susunod sa kautusan. Papatawan daw ng parusa ang mga susuway. Nasa krisis ang bansa dahil sa walang patlang na pagtataas ng presyo ng petroleum products. Inamin ng Malacañang na hindi nila kontrolado ang pagtaas ng petroleum products.

Epektibo naman ang panawagan sa mamamayan. Maraming motorista ang ipinlano ang kanilang mga lakad para hindi kumunsumo ng gasoline at diesel ang kanilang sasakyan. Ang iba ay ipinagbili pa ang kanilang sasakyang malakas lumaklak ng gasoline. Maraming maybahay ang gumagamit ng uling sa kanilang pagluluto, at inieskedyul din ang pagpaplantsa para hindi aksaya sa kuryente. Binawasan din nila ang paggamit sa kanilang mga electrical appliances.

Naghigpit pa ng sinturon ang taumbayan. Sa kabila na matagal na silang naghihigpit ng sinturon, hinigpitan pa nila. Maganda nga sigurong halimbawa ang ipinakita ni Mrs. Arroyo para mapuwersang magtipid ang sambayanan sa panahong ito na may krisis.

Pero nakadidismayang malaman na habang ang taumbayan ay nagtitipid at hinigpitan pa ang sinturon, marami palang government official ang marangyang namumuhay. Buong sarap nilang ninanamnam ang katas ng buwis na ibinabayad ng mamamayan. Hindi nila alam ang kahulugan ng pagtitipid na sinabi ni Mrs. Arroyo.

Habang maraming Pinoy ang nagtitipid, pitong diplomat naman pala sa ibang bansa ang gumagastos ng $10,000 bawat buwan para sa renta ng kanilang condominium. Natuklasan ang kaluhuang ito ni Cavite Rep. Gilbert Remulla, chairman ng House appropriations committee. Isang halimbawa ay ang kaso ni Consul General Cecilia Rebong na nagrerenta ng condominium unit sa halagang $10,000 sa Trump Tower sa New York.

Maraming nagtitipid na Pinoy dahil sa direktiba ng Presidente. Kakatwang mga opisyal pala niya ang hindi marunong sumunod sa halimbawang kanyang ipinakita. Paano na ang bansang ito?

CAVITE REP

CONSUL GENERAL CECILIA REBONG

GILBERT REMULLA

MALACA

MARAMING

MRS. ARROYO

NEW YORK

PINOY

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with