^

PSN Opinyon

'Killer Cops(?) ng Pasig...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NAGSADYA SA AMING TANGGAPAN sina Erlinda Martin at Arturo B. dela Cruz ng Brgy. Palatiw, Pasig City upang humingi ng tulong hinggil sa kasong double murder at multiple attempted murder na isinampa nila laban sa isang pulis Pasig.

Tuwing bakasyon ay nagkakaroon ng liga ng basketball sa kanilang barangay. Kasali dito ang umano’y mga biktima ng murder na sina Donnil Dale Gaveria, 16 at Jo Alvin dela Cruz, 16 at sina Alvedon Cruz, 16 at Timothy James Guevarra, 17 na biktima naman ng attempted murder.

"Pagkatapos ng kanilang laro dumiretso sila sa bahay namin dahil nagluto ako para sa kanila. Isa pa ay nanalo naman sila noong araw na iyon," sabi ni Erlinda

Ika-29 ng Mayo 2005 pasado alas-10 ng gabi nang matapos ang kanilang laro. Ilang oras ang nakalipas nang magpaalam si Tarcila Flores, 18 na isa rin sa mga biktima ng attempted murder na uuwi na ito sa kanilang bahay. Sa kabilang barangay lamang ito sa Bornay St., Brgy. Kalawaan, Pasig City

"Inihatid nila Donnil, Jo Alvin, Alvedon at Timothy James si Tarcila sakay sa isang tricycle na pag-aari nitong sina Jo Alvin. Mga magkababata ang mga iyan kaya hanggang sa magsilakihan ay sila pa rin ang magkakaibigan," sabi ni Erlinda.

Alas-11:45 ng gabi ding ‘yon habang binabagtas nila ang daan pauwi sa bahay nila Tarcila naganap ang insidente malapit sa Fire Department sa may F. Manalo St., Brgy. Santo Tomas, Pasig City.

"Si Jo Alvin ang nagmamaneho habang si Donnil naman ay naupo sa likod nito. Sina Tarcila, Timothy James at Alvedon ay sa loob ng tricycle nakaupo. Dumaan muna sila sa Sea Oil para magpagasolina," sabi ni Erlinda.

Paglagpas nila sa Fire Station isang Isuzu Crosswind na government plate at pebble beige ang kulay nito ang gumigitgit sa sinasakyan ng magkakaibigan.

"Hanggang sa napakanan daw ang minamanehong tricycle ni Jo Alvin at nang malapit na ito sa gutter ay muli nitong pinatakbo at sumabay naman ang crosswind na gumigitgit sa kanila," salaysay ni Erlinda.

Pagdating nila sa tapat ng Dean Learning School sa F. Manalo St. bigla silang kinut ng crosswind hanggang sa napahinto ang tricycle. Isang lalaki ang bumaba mula sa nasabing sasakyan na kinilalang si PO1 Bedo San Juan Montefalcon, ang suspek sa kasong ito.

"Lumapit daw kay Donnil itong si PO1 Bedo Montefalcon sabay bunot ng kanyang baril sa gawi ng kanyang baywang. Hawak-hawak daw nito ang buhok ni Donnil sabay tutok ng baril sa ulo nito," sabi ni Erlinda.

Pagkatapos nito ay walang sabi-sabing ipinutok ng malapitan ni PO1 Bedo Montefalcon ang baril nito hanggang sa bumagsak sa semento ang kaawa-awang biktima.

"Pagkabaril niya sa alaga ko umalis na raw itong si PO1 Montefalcon at sumakay sa sasakyang dala nito na ikinaliwa ng driver nito sa F. Soriano St. at nakahinto," kuwento ni Erlinda.

Samantala pinagtulungan ng magkakaibigang buhatin si Donnil upang isakay sa tricycle subalit habang binubuhat nila ito ay bigla silang pinaulanan ng bala ni PO1 Bedo Montefalcon.

"May mga kasama pa daw si PO1 Montefalcon nang pagbabarilin ang mga bata. Nagtatakbo daw sila at sa kasamaang palad ay tinamaan si Jo Alvin ng bala at bumagsak na ito sa may gutter," kuwento ni Erlinda.

Humingi ng tulong sina Tarcila, Timothy James at Alvedon sa Barangay Security Force ng Brgy. Santo Tomas, Pasig City.

"Nagpuntahan naman ang mga barangay tanod sa pinangyarihan ng krimen. Tumawag naman sa akin si Tarcila upang ipaalam ang nangyari sa kanila. Si Timothy James naman ay umuwi muna ng bahay para magbihis dahil duguan ang kanyang damit saka ipinaalam sa mga magulang ni Jo Alvin ang nangyaring pamamaril sa kanila," salaysay ni Erlinda.

Dinala ng mga barangay tanod si Jo Alvin sa Pasig City General Hospital. Si Alvedon naman ang nagdala kay Donnil sa nasabing ospital gamit ang tricycle na gamit nila.

"Dead-on-arrival na si Donnil habang si Jo Alvin naman ay nakausap pa ng kanyang ama pero hindi rin nagtagal ay binawian na rin ito ng buhay," sabi ni Erlinda.

Ayon kay Erlinda, pagdating nila sa pinangyarihan ng krimen, may mga pulis Pasig na nag-iimbestiga dito subalit hindi na iyon nasundan pa.

"Naisip namin na baka wala lang mangyari sa reklamo namin dahil pulis Pasig ang suspek kaya nagpunta sila sa CIDG Camp, Crame para matulungan kami," kuwento ni Erlinda.

Tinulungan sila ng CIDG na maisampa ang kaso sa Department of Justice. Natapos na ang preliminary Investigation at naghihintay na lamang sila ng resolution. Tinatawagan namin ng pansin ang prosecutor na may hawak ng kasong ito na madaliin ang paglabas ng resolusyon sa kasong ito.

Kung totoo nga ang mga alegasyon ng mga testigo na nakaligtas sa insidenteng ito, dapat makulong ang mga pulis na ito sa krimen na pagpatay ng mga menor-de-edad.

Bukas ang aking tanggapan para sa panig ni PO1 Montefalcon at ng kanyang mga kasamahan. Makipag-ugnayan lamang sila sa akin.

KAHAPON nagdasaan ang mga taong may problema sa lupa sa aking tanggapan. Nagpadala ng representative ang Land Administration Authority sa pamumuno ni Admin Benedicto Ulep. Siya si Policarpio Espinesis Register of Deeds sa Pasig City. Sa lahat ng may problema sa lupa, tuwing Huwebes may tauhan ang LRA na maaring makatulong sa inyo. Salamat din kina Aileen Coritana at Gina Gaskel-Ortile. Ganun din kay Deputy Admin Edilberto Feliciano para sa kanilang suporta.

PARA SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN, KARAHASAN AT MAY MGA LEGAL PROBLEMS, ANG AMING TANGGAPAN AY SA 5TH FLOOR CITYSTATE CENTER BLDG., SHAW BLVD., PASIG CITY.

MAARI KAYONG TUMAWAG SA 638-7285 o sa 6373965-70.

MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09213263166 O SA 09209672854.

ALVIN

BEDO MONTEFALCON

DONNIL

ERLINDA

JO ALVIN

PASIG

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with