^

PSN Opinyon

Ang ‘3 bugok’ na sina SPO3 Mendoza, PO1s Macabeo at Nicodemus

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY tamang duda na ang mga bata ni Sr. Supt. Rosendo Franco, hepe ng Pasay City Police sa drug enforcement unit (DEU). At kapag hindi nasawata ni Franco ang mga ginagawa ng taga-DEU, hindi ako magtataka kung balang araw pati siya ay maliligo ng kaso na hindi niya alam kung bakit. Sa ngayon kasi, nakaharap ng kasong grave slander, grave-coercion, unlawful arrest at grave abuse of authority ang tatlong taga-DEU ni Franco dahil sa ginawa nilang pag-aresto kay SJO2 Eduardo Garcia, ng Pasay City Jail. Siyempre, napahiya si Garcia dahil sa sinapit niya sa mga kamay nina SPO3 Reynaldo Mendoza at PO1s Macabeo at Nicodemus kaya pumalag siya. Sa pagkaalam ko, kung sinu-sinong padrino na ang nilapitan ng tatlong bugok na taga-DEU ni Franco para maayos ang kaso. Subalit kung ang action ni Garcia ang gagawing basehan, mukhang hindi nagtagumpay ang tatlong itlog. He-he-he! Hindi dapat pamarisan ng kabaro nila itong tatlong bugok, di ba mga suki?

Kaya ko naman nasabing may tamang duda sina Mendoza, Macabeo at Nicodemus ay dahil hinuli nila si Garcia noong Setyembre 17 dahil lang sa reklamo sa telepono. Sa kanyang salaysay, sinabi ni Garcia na naka-duty siya noon sa Pasay jail nang maisipan niyang bumili ng ulam. Alas siyete na kasi ng gabi at kumakalam na ang sikmura niya at ng kapwa jail guard niya. Isinama ni Garcia si John Suing para may magbibitbit ng ulam dahil nakamotorsiklo siya. Matapos bumili ng ulam sa karinderya sa di-kalayuang Meralco office, bumalik na sa kanilang opisina si Garcia. Hindi akalain ni Garcia na dito na pala magsisimula ang kalbaryo niya.

Sinabi ni Garcia na hinarang ng tatlong taga-DEU ang motorsiklo nila malapit sa punong akasya sa harap mismo ng police headquarters ng Pasay police. Dinis-armahan siya ni Mendoza at sabay kaladkad sa kanya patungo sa DEU office nga, ani Garcia. Minura umano siya ni Mendoza sabay sabing nakatimbre siya o may tumawag na may dala siyang epektos. Hindi nakapalag si Garcia ng kapkapan siya ng tatlo. At ng walang makitang hinahanap nila, pinayagan naman ng tatlo si Garcia na umalis na lamang. Pinagmumura ulit nila itong si Garcia ng hingin niyang ibalik ang kanyang service firearm na .9mm pistol. Ani Garcia, minura siya ng tatlo sa harap ng maraming pulis na nakuha ang atensiyon ng kaguluhan sa DEU office nga. Ang masama pa niyan, naka-uniporme si Garcia ng maganap ang mapait na kapalaran niya. At dahil sa sobrang kahihiyan, minabuti ni Garcia na ipa-blotter ang nangyari sa kanya. Pero hindi dito nagtapos ang problema dahil nag-file nga ng kaso si Garcia laban sa tatlong pulis sa prosecutor’s office sa ‘‘Sin City’’ ni Mayor Peewee Trinidad.

Ang balak pa ni Garcia ay magsampa rin ng administrative case laban sa tatlong taga-DEU. Idadamay na niya sa command responsibility si Franco at ang hepe ng DEU, ayon sa balitang nakarating sa akin. Dahil lang sa duda, aba lumaki na itong problemang hinaharap nina Mendoza, Macabeo at Nicodemus ah? He-he-he! Hindi ko sinabing praning silang tatlo ha, mga suki?

Abangan sa kasunod na kabanata!

ANI GARCIA

DAHIL

DEU

EDUARDO GARCIA

GARCIA

MACABEO

MENDOZA

NICODEMUS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with