Para sa iyo, hudas ng SPD-DIIB, maghanda-handa ka na!
September 26, 2005 | 12:00am
MARAMI ng matatagumpay na operasyon ang BITAG laban sa mga sindikatong nagnanakaw at nagbebenta ng mga krudo at gasolina o yung tinatawag na paihi. Kauna-unahan sa larangan ng investigative TV ang mga pagsisiwalat na ito.
Kasama ang ibat-ibang mga operatiba ng ating kapulisan, tinuldukan namin ang talamak na operasyon ng mga grupong ito.
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay matagumpay ang aming operasyon tulad na lamang ng nangyari nitong nakaraang linggo kung saan nakatakdang suyurin ng BITAG at ilang mga operatiba ng Southern Police District-District Intelligence and Investigation Branch ang sindikatong nagpapaihi sa kahabaan ng C5 sa Taguig City.
Ilang araw pinostehan ng aming mga BITAG undercover ang C5 kung saan, matagumpay na nahulog sa aming surveillance camera ang talamak na pagnanakaw at pagbebenta ng krudo sa lugar ito.
Malaki ang tiwala ng BITAG sa grupo ng SPD-DIIB. Matatandaan, sila rin ang grupong aming nakasama namin sa pagtuldok sa isang aborsyonista sa Pasay.
Pero hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng isang hudas sa kahit anong grupo dahil agad kaming naitimbre sa mga sindikato bago pa man nakarating ang grupo sa aming target site.
Detalyado ang impormasyong ibinigay ng hudas na ito. Kaya naman dali-daling nakapagligpit ang mga kolokoy na nagpapaihi sa C5.
Maging ang mga opisyales ng DIIB, dismayado sa naging resulta ng aming operasyon. Maging sila ay aminadong may ahas sa kanilang grupo.
Hindi ito ang huling operasyong makakasama namin ang mga operatiba ng SPD-DIIB. Hindi kawalan sa BITAG ang pagiging negatibo ng operasyong ito dahil hindi kami titigil hanggat hindi namin natutuldukan ang sindikato ng paihi sa C5.
At para sa iisang bulok na pulis na naghudas sa BITAG at sa sarili niyang grupo, ang SPD-DIIB, iyan na ang huling kalokohang ginawa mo dahil kilala ka na namin at alam na namin kung paano ka susungkitin.
Hindi kami makukuntento sa parusang ibibigay sa iyo ng iyong mga opisyal sa DIIB dahil may nakahanda kaming patibong para sa mga nagpupulis-pulisang kawatang katulad mo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am