^

PSN Opinyon

Sa 2010, CFC-Free Philippines, kaya natin!

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
(Unang Bahagi)
SABAY sa paglipas ng panahon ang mga pagbabago sa pamamaraan ng pamumuhay ng tao. Ngayon, ang lahat halos ng gawain ay mabilis at madali na dulot na rin ng teknolohiya at modernisasyon. Subalit ang teknolohiyang nagpapagaan sa buhay ng mga tao ay pabigat naman sa kalikasan, tulad na lamang ng pagkasira ng ozone layer.

Ang pagkasira ng ozone layer ay isa sa mga mabibigat na problemang pangkalikasan na ating kinakaharap, kung kaya naman, alinsunod sa Montreal Protocol, patuloy ang ating pamahalaan sa pagpupunyagi sa pagbabawal, paglilimita, at pagre-regulate ng paggamit ng mga ‘‘ozone-depleting substances’’ (ODS) na mayroong chlorofluorocarbon (CFC). Ang ODS ay mga elementong nakakapagpanipis ng ating ozone layer na maaaring magdulot ng pagkasira ng mga panamin, malnutrisyon, pagkahina ng resistensiya, kanser sa balat, katarata at pagkasira ng paningin, bukod pa sa malawakang polusyon.

Dahil dito, apat na programa ang ipinapatupad ng Department of Environment and Natural Resources, sa pamamagitan ng Philippine Ozone Desk (POD). Kabilang sa mga programa ang Institutional Strengthening Project (ISP), na nagpapalakas at nagbibigay ng kaukulang suporta sa mga institusyong direktang kabahagi sa operasyon ng POD; Customs Training Project, kung saan pinagsanay ng POD at binigyan ng kaukulang equipment ang Bureau of Customs upang mas maisaayos ang kanilang kakayahan sa pag-regulate ng pagpasok sa bansa ng mga ODS.

Ikatlo naman sa mga programa ng POD ang National Methyl Bromide Phase-out Strategy, na layunin ang dahan-dahang pagbawas, hanggang sa tuluyang mawala, ang paggamit ng Methyl Bromide (MB), na karaniwang gamit bilang pestisidyo at pataba sa lupa. Ang National CFC Phase-out Plan Project (NCPP) naman ang pinakamalaking proyekto ng POD na naglalayong i-phase out ang natitirang paggamit ng mga CFC sa bansa, alinsunod sa ‘‘phase-out schedule’’ na itinalaga ng Montreal Protocol.

ANG NATIONAL

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS TRAINING PROJECT

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

INSTITUTIONAL STRENGTHENING PROJECT

METHYL BROMIDE

MONTREAL PROTOCOL

NATIONAL METHYL BROMIDE PHASE

PHILIPPINE OZONE DESK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with