Binagyo ang US
September 18, 2005 | 12:00am
Nakapanlulumo at kahabag-habag
Nangyari sa US na bansang maunlad;
Nang magdaan doon ang bagyong malakas
Maraming namatay - maraming naghirap!
Malalaking bayan, lunsod at estado
Malakas na bagyoy kumitil ng libo;
Mga kabahayang kahoy at konkreto
Hindi iginalang ng lakas ng bagyo!
Umapaw ang tubig ng dagat at ilog
Taot mga bahay ay pawang lumubog;
At nang itong bagyo ay tila naubos
Nag-iwan ng baha na kalunus-lunos!
Makabagong lunsod tulad ng New Orleans
Alabama at iba pang estadong maningning
Ngayon ay lubog pa sa tubig na tabsing
Na nagpapahirap sa mga citizens!
Sa buong historya nitong Amerika
Ganitong disaster ngayon lang nakita;
Kaya nang dumatal maraming nagtaka
Ganitong pinsala bakit sa US pa?
Salamat na lamang at may mga bansa
Na nagbigay tulong sa mga salanta;
Gamot at pagkain, damit at iba pa
Dinala sa US na pawang biyaya!
Bansang Amerikay kilalang malakas
Sagana sa langis sa pera at armas;
Ngunit ito palay parang Pilipinas
Na sa kalikasay handa ring umatras!
Itoy patotoong malakit maliit
Dapat maniwalang may Diyos sa langit;
Pag Kanyang ginusto at Kanyang ninais -
Inang Kalikasan nagiging malupit!
Nangyari sa US na bansang maunlad;
Nang magdaan doon ang bagyong malakas
Maraming namatay - maraming naghirap!
Malalaking bayan, lunsod at estado
Malakas na bagyoy kumitil ng libo;
Mga kabahayang kahoy at konkreto
Hindi iginalang ng lakas ng bagyo!
Umapaw ang tubig ng dagat at ilog
Taot mga bahay ay pawang lumubog;
At nang itong bagyo ay tila naubos
Nag-iwan ng baha na kalunus-lunos!
Makabagong lunsod tulad ng New Orleans
Alabama at iba pang estadong maningning
Ngayon ay lubog pa sa tubig na tabsing
Na nagpapahirap sa mga citizens!
Sa buong historya nitong Amerika
Ganitong disaster ngayon lang nakita;
Kaya nang dumatal maraming nagtaka
Ganitong pinsala bakit sa US pa?
Salamat na lamang at may mga bansa
Na nagbigay tulong sa mga salanta;
Gamot at pagkain, damit at iba pa
Dinala sa US na pawang biyaya!
Bansang Amerikay kilalang malakas
Sagana sa langis sa pera at armas;
Ngunit ito palay parang Pilipinas
Na sa kalikasay handa ring umatras!
Itoy patotoong malakit maliit
Dapat maniwalang may Diyos sa langit;
Pag Kanyang ginusto at Kanyang ninais -
Inang Kalikasan nagiging malupit!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest