^

PSN Opinyon

Papel ng mga kababaihan

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KUNG si Jesus ay pumili ng 12 alagad na kalalakihan, siya rin ay may mga tagasunod na mga kababaihan. At ang mga kababaihang ito, maliban pa kay Maria na Ina ni Jesus, ang ipinakikilala sa atin sa Ebanghelyo para sa araw na ito (Lukas 8:1-3).

Hindi nagtagal, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon. Nangangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang 12 alagad, at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at mga karamdaman: Si Maria na tinatawag na Magdalena (mula sa kanya’y pitong demonyo ang pinalayas); si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba. Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.

Samakatwid, sa pagmimisyon mismo ni Jesus, nandoon ang mga kababaihan. Sila’y nakibahagi sa pangangaral at pagtuturo ni Jesus hinggil sa paghahari ng Diyos. Ibinahagi rin ng mga kababaihan ang anumang yamang mayroon sila upang may maitustos sa mga pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.


Ang mga kababaihan ay nakibahagi rin sa simple at payak na pamumuhay ni Jesus hanggang sa ito’y dumaan sa kanyang paghihirap at kamatayan. At kahit na sa pagkabuhay niyang muli, si Jesus ay unang napakita sa isang babae – kay Maria Magdalena, na siyang inutusan ni Jesus upang ipamalita sa kanyang mga alagad ang tungkol sa pagkabuhay na mag-uli.

Kahit ngayon, ang mga kababaihan sa iba’t ibang dako ng mundo ay nagmimisyon upang lumaganap ang paghahari ng Diyos. Huwag na tayong lumayo. Limiin na lamang natin ang papel na ginagampanan ng ating mga kababaihang overseas workers. Di ba’t marami na tayong naririnig na kuwento na ang mga Filipina na nag-aalaga ng mga anak ng kanilang dayuhang amo ay tinuturuan nilang magdasal?

CUSA

DIYOS

EBANGHELYO

FILIPINA

HERODES

JESUS

MABUTING BALITA

MARIA MAGDALENA

SI MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with