^

PSN Opinyon

Dating magkakalaban, magkakampi na vs GMA

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MATAPOS ibasura ang tatlong impeachment complaints laban kay President Gloria Macapagal-Arroyo noong Martes, nagsama-sama ang mga taong may iba’t ibang tinatahak na lansangan sa pulitika at ideolohiya. Hindi ko maintindihan kung ano ang aking damdamin nang makita silang magkakakapit-bisig.

Kamakailan lang, walang patumanggang binabanatan ni Satur Ocampo si dating President Cory Aquino tungkol sa nangyaring patayan sa Hacienda Luisita. Noong katatapos ang eleksyon ng 2004 nagpupukpukan mula pa sa nomination hanggang eleksyon si Sen. Panfilo Lacson at ang asawa ni FPJ na si Susan Roces.

Kailan lamang mahigpit na magkakalaban sa sina Makati Mayor Jojo Binay, Mayor J.V. Ejercito at ang "Hyatt 10" na tulad ni Dinky Soliman, Ging Deles at Butch Abad. Di ba dating nagkakainitan sa pagdedebate sa Kongreso ang mga kongresistang sina Peter Alan Cayetano, Ronnie Zamora at Chiz Escudero?

Subalit noong Martes, magkakabisig na sila at ang isinisigaw ay ang pagpapatalsik kay GMA. Talaga namang nakagugulat ang nagagawa ng pulitika. Isa na namang patunay ito na walang permanenteng magkakalaban o magkakaibigan sa pulitika. Personal na interes lamang ang tanging nananaig.

Subalit ang pinanlulumo ko ay ang pagsama nina Cory at Susan sa ganitong mga rally. Sana ay huwag na silang magpagamit. Huwag na silang makisali pa sa mga adhikaing makapaghahati-hati sa mamamayan. Magsilbi na lamang silang inspirasyon lalo na’t lubog na lubog ang bansa sa kahirapan.

BUTCH ABAD

CHIZ ESCUDERO

DINKY SOLIMAN

GING DELES

HACIENDA LUISITA

MAKATI MAYOR JOJO BINAY

MAYOR J

PANFILO LACSON

PETER ALAN CAYETANO

PRESIDENT CORY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with