^

PSN Opinyon

Mabuhay ka Pacquiao!!!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
BINABATI ko si Manny Pacquiao na nagbigay ng karangalan sa ating bansa ng pinatulog niya kahapon itong si Hector Velasquez sa pamamagitan ng technical knockout sa ika-anim na round.

Sa kasalukuyan na mababang-mababa ang tingin ng buong mundo sa atin at tayo mismo ay nasisiraan ng loob sa mga kawalan ng pag-asa sa ating bayan ay binigyan ni Pacquiao ng kahit na panandaliang kaligayahan at karangalan ang bayan.

We are so proud of you Manny Pacquiao at sana maging mas matagumpay ka pa sa iyong mga susunod na laban. Panalangin rin natin na sana ang pagkapanalo ni Pacquiao ay magsilbing ehemplo sa ating mga kabataan na magsikap at ng kahit paano ang kinabukasan ng Pilipinas ay maging maunlad at ang buhay ng ating mga anak at apo ay maging mas maginhawa.

Muli sa’yo Manny Pacquiao, MABUHAY KA!!!
* * *
Maligayang-maligaya ang karamihan sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao pero sana ay hindi na hinaluan ng pulitika.

Pagkatapos kasi ng pagkapanalo nitong si Pacquiao na siya namang kinaligaya ng lahat ng Pinoy ay entra na naman itong si Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo na pumapapel na akala mo ay siya ang dahilan ng pagkapanalo ng People’s Champion.

Hindi pa nakuntento, humirit pa siya na may halong pangungutya sa mga kalaban sa pulitika na "knock out sa lower house" ang impeachment case.

Bagama’t alam nating yabang na yabang sila sa ginawa nilang pagpatay sa impeachment proceedings, ang pagyayabang nila ay tiyak na magbubunsod ng panibagong pagkainis at magpapatindi ng silakbo ng damdamin ng mas nakakarami na masyado na ngang na-disappoint sa ginawa ng mga kaalyadong kongresista ni Madam Senyora Donya Gloria.

Ang mas matindi pa nito, halata tuloy na walang sinseridad ang administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria sa panawagan ng reconciliation dahil pangitang-pangita na nangungutya pa sila.

Sabagay, wala namang naniniwala ruon at sa kinilos ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo ay pinakita lang nila ang obvious.

Sa iyo Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo, sabi nga ni Sen. Lacson, you may have won the battle but not the war. Huwag kayong pasisiguro, tiyak natin hindi pa tapos ang laban.
* * *
Dagsa po ang text messages sa atin lalo na sa katanungan nating "nagsinungaling ba? nandaya ba? Nagnakaw ba si Madam Senyora Donya Gloria?"

Kaya pagbigyan naman natin ang ilan. Gaya ng dati, hindi ho kaya pagbigyan ang lahat.Maraming salamat ho sa patuloy niyong pagtangkilik, pati na ruon sa mga nananakot at nambabastos dahil patunay ang mga text messages sa dami ng tumatangkilik sa inyong lingkod. Muli, Salamat sa inyong lahat!!!

Sagot sa 3 tanong kung nandaya, nagnakaw, nagsinungaling ang *^$#@ ng Malakanyang — a multiple YES!!! More Power! - +4917-2471039. yes na yes sa 3 tanong na nandaya ba c gma, nagnakaw ba c gma, nagsinungaling ba c gma? Sure na sure. Huwag nating tigilan c gma hanggang umalis sya sa puwesto. Salamat sa katulad mo na di nababayaran — 09216021756.

Kung hindi nagnakaw c Gloria bkit nagtatago c garci cno ang nagbayad sa subic air — 09156977685. sagot ko sa mga tanong sa yong mga column, una nandaya ba sagot oo kasi din a nagpakita si com garcillano, ikalawa nagnakaw ba — ala ako sagot d2 kc ala akong bsis d2, ikatlo nagsinungaling ba sagot it’s a big yes because the proof is that she lied when she declared that she will not run for president in dec. 2002 — 09267378350.

Sagot sa yong tanong ay eto, oo s Gloria ay nandaya, 2. c Gloria ay nagnakaw, 3 c Gloria ay sinungaling — 09198062646. nndya at ngsinungaling c pgma s bibig nya mismo gling n cya ang nsa voice tape sna tma na sobra na bumaba na cya sa puwesto — 09162993581. tahimik akong mamamayan but now sasama na kami sa lansangan. Pag karapatan ang pinatay pinatay na rin ang dangal — 09183412775.

Lalong naginit sag alit ang puso’t damdamin ko at kamag-anak sa ginawang pagpatay sa impeachment — 09164444625. puro ka batikos! Mtanong nga kita may nagawa ka na ba para sa bansa mo? Kayo ang salot kasi kayo ang nangungulo, magkano ba payola mo para tirahin ci GMA! — 09162569792. para sa akin totoo lahat ng paratang kay gma kaso obvious ang d nla pagsagot o pagdaan sa magandang proseso guilty cla guilty guilty guilty — 09192446637.

Tkot c gma dhil true ang prtang kya gwa praan ptay sa congres ang impchment kakahya cya kadiri — 09277337546. kalianman d nandaya, nagnakaw, nagsinungaling c Pangulong Arroyo. Ang mga nagsasabi ay naiingit lang sa kanya. Magaling siyang Pangulo — 09192229162. Punuin mo man ang katanungan ang buong peryodiko la ka magagawa, la nagawa sa buhay ko Pipols Power 1 & 2? Mag Pipol 3 pa! Sarili muna bago bayan! 4 a change — 09185368460.

Nandaya ba c Gma? Nagnakaw ba c GMA? Nagsinungaling ba c GMA? Ang sakot ko po ay opo. Totoo lahat. Nandaya, nagnakaw at nagsinungaling c GMA — 09204369320. Wala ka nang magagawa kayo kayo ang dapat tumigil sa kangangawa nyo talo ka kayo eh! Kaya dapat wag na kayong MANGGULO kasi kayo lang naman ang MANGUGULO — 09158066158. Moto na ng palasyo ang bawat araw ay pagluluksa sa mga hikahos, puwera c jose pedal, kaming mga ofw gulapay na - +85294570082. C gma mandaraya kaya mga kakampi nya puro mandaraya2lad n md mandaraya din — 09278799670.

Yes!!! Nandaya, nagnakaw at nagccnungaling ang pekeng pangulo na c Gloria arroyo — 09186942346. nandaya, nagnakaw, nagcnungaling c pres arroyo, sayang lang ang boto ng taung bayan sa kanila, mga tuta clan g corrupt — 09266303419. para sa akin dpat na umalis c Gloria kc hndi cya lehitimong presidente — 09216535703.

Kung di nandaya bakit umamin, kung di siya nagsalita na dalhin sa kongreso may impeachment ba. Kukng d cya magnanakaw may ipamumudmud bas a mambabatas? Kung d nya hinarang ang impeachment baka may tiwala pa kami sa kanya — 09204834677.

Nandaya talaga si gma at nagnakaw pa ng pwesto at nagsisinungaling talaga para di mapahiya, pinangatawanan na niya — 09205397595. yes nandaya c gma, yes nagnakaw c gma, yes nagsinungaling c gma - +8529301044. dapat sagutin ni GMA ang 3 katanungan yan at hndi dapat pagtakpan ng ka22hanan sa sambayanan — 09173331686.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa o di kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

vuukle comment

GLORIA

GMA

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NAGNAKAW

NAGSINUNGALING

NANDAYA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with