Mabuti at walang tinamaan nang magpaputok si SPO1 Arnold Sandoval
September 11, 2005 | 12:00am
HINDI pala sport si SPO1 Arnold Sandoval. Matapos ang masayang inuman kamakailan sa Malate, Manila, nagpaputok ng dalawang beses si Sandoval dahil sa sobrang galit sa mga peryodista na patuloy na nagbubulgar ng illegal na gawain niya. Mukhang kasama ako sa galit ni Sandoval dahil sa inilabas ko sa column na ito na nasa likod siya nang patuloy na operation ng gambling lord na si Lito de Guzman sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza. Sa pagpaputok ni Sandoval, maaaring nagpapalipas lang siya ng init ng ulo. Mabuti naman at walang tinamaan sa pagpaputok niya, di ba mga suki? Kung nagkataon, lagot si Sandoval. Pero hindi dapat palampasin ni NCRPO chief Dir. Vidal Querol itong inasal ni Sandoval. Hihintayin pa kaya ni Querol na may madisgrasya si Sandoval bago siya kumilos? He-he-he! Tingnan natin kung gaano kalakas ang mga padrino nitong lumaki ang ulo na si Sandoval.
Itong si Sandoval kasi, at mga pulis na sina Insp. Tony Bangit, Insp. Teddy de Jesus at Weng Alcantara ay dumalo sa birthday party ni De Guzman sa Sampaloc noong Agosto 15. Kaya nakatawag pansin ang kaarawan ni de Guzman dahil isinara niya ang kalye bunga sa sobrang dami ng bisita at siyempre bumaha rin ang pagkain. Sinabi ng mga kapitbahay ni De Guzman na ngayon lang nangyari sa tanang buhay nila na nabundat talaga sila dahil puwedeng bumalik sa lamesa hanggang may paglagyan pa sa tiyan nila. Wala namang reklamo ang mga kausap kong kapitbahay ni De Guzman kaya lang hindi maganda sa paningin nila na imbes na hulihin ng mga pulis si De Guzman dahil may illegal siya, aba nakipag-inuman pa ang grupo ni Sandoval sa kanya. At tumpak ang report nila na ito palang sina Sandoval, Bangit, de Jesus at Alcantara ay mga protector ni de Guzman sa racehorse bookies niya.Itong si De Guzman pala ay may mahigit ng 100 butas ng karera sa siyudad ni Atienza. At itong si Sandoval ang lumulutang kapag napeperhuwisyo si De Guzman ng tropa ni DILG Sec. Angelo Reyes, CIDG director Chief Supt. Ricardo Dapat at ng NCRPO chief Querol nga. Si Bangit naman ang linya sa tropa ng City Hall detachment at Manila Police District, anang kausap natin. Pati ang mga naka-umbrella kay De Guzman na sina Val Adriano, Boy Bernardo alyas Boy Hapon, Weng Alcantara at Alvin ay kay Bangit rin dumadaan, he-he-he! Mukhang nag-iipon ng baon si Bangit, di ba mga suki?
Balikan natin si Sandoval. Kung si Sandoval ay galit sa mga peryodista na nagbubulgar sa pagiging kolektor niya ng intelihensiya, bakit sina De Jesus, Bangit at Alcantara ay hindi umiimik? Ibig bang sabihin ng katahimikan ng kapwa pulis ni Sandoval, sports lang sila? Eh kung may dibdib sina De Jesus, Bangit at Alcantara na harapin ang mga puna laban sa kanila, bakit nagwawala si Sandoval? Malaki ba ang nawala sa bulsa niya o kaliwat kanan ang imbestigasyon laban sa kanya? Kahit araw-araw pa magpaputok si Sandoval, hindi ko tatantanan ang kabulastugan niya. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am