^

PSN Opinyon

Genuino, nakapagtala nang pinakamataas na kita sa PAGCOR

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAHIRAP intindihin kung anong klaseng prinsipyo ang umiiral sa ating mga pulitiko na nailuklok sa puwesto sa ating bansa. Talamak na ang graft and corruption, patindi pa nang patindi ang crab mentality at habang nagtatalsikan ang kanilang mga laway naiwang naghihikahos at kumakalam ang sikmura ng mamamayan na nagluklok sa kanila. He-he-he!

Habang umiinit ang bangayan at ngusuan, nag-iingay na parang mga palaka ang oposisyon laban kay Presi-dent Gloria Macapagal-Arroyo na ma-impeach. Sanga-sangang balitang paninira ang kanilang ipinakalat upang sirain ang may magandang adhikaing maiahon sa lugmok na ekonomiya ang ating bansa.

Kinakaladkad naman ng mga oposisyon sa naturang kontrobersiya ang pangalan ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Efraim Genuino na ayon sa mga lumalabas na tsismis o akusasyon na ginamit daw umano ni GMA ang pondo ng Pagcor upang ipamudmod sa mga pulitiko na nagnanais na maisulong ang impeachment.

Sinuhulan daw umano ni Genuino ang mga kongresista upang masiguro ang katapatan ng mga ito sa administrasyon. At sa kasalukuyan may ilang pulitiko ang gumagapang at gumagawa ng hakbang upang mapatalsik sa chairmanship si Genuino. Kung masisira nga naman si Genuino sa paningin ng sambayanan natitiyak na nila ang kasunod na masisira ay si GMA. He-he-he! Get niyo mga suki!

Sa nakalap kung impormasyon mga suki, itong si Genuino ay nakapagtala ng pinakamataas na kita sa PAGCOR na umabot sa P21.90 bilyon noong nakalipas na taong 2004. At sa kasalukuyan taon ay pumalo na sa P7.5 bilyon ang panalo ng casino sa unang apat na buwan pa lamang. Ito ang kongkretong pigura ng kita ng Pagcor na patuloy na pakikinabangan nang husto ng taumbayan.

Sa kinikita ng Pagcor maraming mamamayan ang makikinabang kabilang na rito ang pagtustos sa pagpapa-gawa ng mga school buildings, hospitals, tulong pinansiyal sa mga sinalanta ng bagyo at sakunang pangkalikasan, mga ulilang biktima ng pang-aabuso sa mga batang lansangan at mga mahihirap na mayroong mabigat na karamdaman.

Ang panalo ng Pagcor sa casino ay panalo ng taumbayan at masuwerte ang mamamayan na mayroon tayong isang opisyal ng pamahalaan na nagmamalasakit upang makaambag ng kaalaman na makalikom ng salapi sa kaban ng bayan. Talino at sinseridad lang ang sekreto ni Genuino kung bakit nanatiling produktibo ang Pagcor kumpara sa ibang ahensiya ng gobyerno.

At sa kabila ng katapatan ni Genuino sa kanyang tungkulin kabi-kabila pa ang pintas na ipinupukol sa kanyang katauhan, marami tuloy ang nalilito sa ating mga mahihirap na mamamayan. Sino ba ang dapat na paniwalaan? Ito bang mga maiingay na wala namang magawang kabutihan sa ating bansa at nagpapabagsak sa ating ekonomiya? Sa palagay ko nga wala. He-he-he! Kayo na mga suki ang humusga sa kanila. Kapit-kamay tayong harapin ang katotohanan upang maiahon ang ating buhay.

ATING

CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

GENUINO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HABANG

KAPIT

PAGCOR

PHILIPPINE AMUSEMENT GAMING CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with