^

PSN Opinyon

Tipid tips: Gas at kuryente

SAPOL - Jarius Bondoc -
HUWAG nang asahan bababa pa ang presyo ng gas. Todo na ang pagmina ng langis ng OPEC, pero todo rin ang pagbili ng lumalaking ekonomiya ng China, America, India at Japan. Magtipid na lang sa konsumo.

Ipa-tune up ang makina ng sasakyan, para episyente ang pagsunog ng gas. Huwag nang mag-warm up ng makina; iinit din ito sa pag-usad. Sa highway, panatilihin ang speed sa 60-80 kph; sa siyudad, huwag biglang arangkada at biglang preno na maaksaya sa gas.

Planuhin ang biyahe; piliin ang pinaka-maikling ruta. I-check ang tire pressure; mas makonsumo sa gas kung malambot. Iwasan ang mabigat na karga, na nagpapahirap sa makina. Siguraduhing walang tulo ang fuel tank at linya. Linisin ang air filter at karburador.

Krudo ang gamit sa maraming power plants. Kaya asahan tataas din ang presyo ng kuryente. Magtipid na rin ng konsumo.

Gumamit ng flourescent imbis na incandescent lamp. Ipatay ang ilaw kung hindi kailangan. Pintahan ng light colors ang kuwarto para mas mababang wattage lang ang kailangang ilaw. Linisin ang bulb at palitan agad ang sirang ballast o starter.

Plantsa ang isa sa pinaka-makonsumong appliance. Minsanan lang plantsahin lahat ng bagong laba. Magplantsa habang maginhawa ang panahon. Huwag basain masyado ang plantsahin. Kung patapos na, i-off na at gamitin ang natitirang init.

Malakas din sa kuryente ang refrigerator. Ilayo ito nang 4 pulgada mula sa pader, para makahinga ang init ng coil. Linisin malimit ang coil. Regular na mag-defrost. I-repair ang sirang door gasket para walang singaw na lamig.

Planuhin ang pagluluto sa gas o electric stove. Tunawin ang eladong pagkain nang maaga. Ihanda lahat ng sangkap at sahog. Itama ang laki ng kaserola sa stove element. Takpan ang kaserola para madaling maluto ang pagkain. I-off ang stove kung malapit nang maluto.

Bunutin ang plug ng TV, stereo o bentilador kung hindi ginagamit.

BUNUTIN

GUMAMIT

HUWAG

IHANDA

ILAYO

IPA

IPATAY

LINISIN

MAGTIPID

PLANUHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with