^

PSN Opinyon

‘Patuloy ang aming deklarasyon ng giyera sa mga kawatan ng bigas…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAPOS naming maipalabas sa BITAG nitong nakaraang Sabado ang aktuwal na surveillance operation maging ang paghuling isinagawa ng Traffic Management Group — National Capital Region (TMG-NCR) sa trak na aming nahuling nagda-divert ng bigas mula National Food Authority North District Office (NFA-NDO) patungo sa JLD warehouse na pag-aari ni Julie Dalisay sa INTERCITY sa Bocaue, Bulacan, inulan kami ng sangkaterbang tips ukol sa malawakang diversion sa iba’t-ibang lugar.

Una ko nang nabanggit kamakailan na tahasan kaming nagdedeklara ng giyera sa mga dorobong kawatan ng bigas ng bayan na walang ginawa kundi pagsilbihan ang interes ng kartel na nasa likod ng malawakang diversion sa iba’t-ibang NFA District Offices.

Una sa aming listahan ang South District Office kung saan naghahari sa larangan ng pagnanakaw ng bigas si Francisco Dio. Nagmamakaawa ang mga mamimili sa lugar na ito partikular na sa Parañaque dahil wala na daw mabiling murang bigas ng NFA.

Nasisiguro namin, nakatago ang mga ito sa bodega ng hayupak na galamay ni Francisco Dio na si Jimmy Pagulayan…

Ilan pa sa lugar na aming tinututukan ang probinsya ng Rizal kung saan sari-saring reklamo ang aming inaabot mula sa bayan ng Angono, Cainta, Antipolo at Tanay at Binangonan. Maging sa mga probinsyang ito, wala rin daw makitang murang bigas ng NFA…

Ngayong mainit ang isyung pampulitikal, sigurado

naming nagpakasarap ang mga hayupak na sindikato sa likod ng malawakang diversion.

Sampol pa lang ang natapos naming operasyon sa INTERCITY sa Bocaue, Bulacan, kung saan sinubukan pa kaming kausapin ng kanilang bise presidente upang paboran si Julie Dalisay. Pero hindi nangangahulugang tapos na kami sa mga sindikato sa loob ng INTERCITY dahil umpisa pa lang ito.

Nakakalat na ang aming mga undercover para manmanan ang bawat district offices ng NFA maging ang mga sindikatong kasama sa mahaba naming listahan ng mga magnanakaw.

Nag-uumpisa pa lang ang laban. Abangan!
* * *
Hotline numbers, mag-text sa 09189346417 o tumawag sa 9328919 - 9325310. Panoorin mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 — 10:30 am, ‘Bahala si Tulfo’ sa UNTV 37, simulcast mula 9:00 — 10:00 am sa DZME 1530 kHz.

BOCAUE

BULACAN

DISTRICT OFFICES

FRANCISCO DIO

JIMMY PAGULAYAN

JULIE DALISAY

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL FOOD AUTHORITY NORTH DISTRICT OFFICE

SOUTH DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with