^

PSN Opinyon

Lumalaking matatag ang batang busog sa pagmamahal

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA isang ordinaryong pamilyang Pilipino natural na sama-samang natutulog sa isang kuwarto ang mag-anak. Siyempre ang pinakabunso ang pinakamalapit at kasiping ni nanay. Ang mga sanggol na pasusuhin kapag magising sa gabi ay agad na pinadede ng ina na nakahiga. Nakatutuwang pagmasdan ang mag-asawa na natutulog na kasiping ang mga anak sa iisang kama. Ang tinaguriang ‘‘family bed concept’’ ay lalong nagpapalapit sa mga anak sa kanilang magulang. Mahimbing ang tulog ng baby katabi ng ina na agad napupukaw ang pagtulog kapag maramdamang gising ang sanggol dahil nagugutom siya o umihi at agad siyang naaasikaso ng ina.

Sa piling ng nanay niya ay parang pinaghehele si baby at ang closeness nilang mag-ina ay lalong tumitibay. Siyam na buwang nasa sinapupunan ng ina ang kanyang sanggol at sa panahong iyon ang kapalaran ay nakasalalay sa inang mahal. Taliwas sa opinyon ng marami na ang batang palaging katabi ng ina ay lumalaking mama’s boy o mama’s girl at palaging nakadepende sa ina. Ang mga batang busog sa init ng pagmamahal ng ina ay lumalaking matatag, malaki ang tiwala sa sarili at mapagmahal.

AGAD

ANAK

INA

MAHIMBING

NAKATUTUWANG

PILIPINO

SIYAM

SIYEMPRE

TALIWAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with