^

PSN Opinyon

BITAG nakikipag-deklara ng giyera sa INTERCITY Rice Millers Association

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA kolum na ito, tahasan akong nakikipag-deklara ng giyera kasama ang aking mga BITAG undercover-surveillance team laban sa mga sindikatong nasa likod ng rice diversion partikular na ang INTERCITY Rice Millers Association sa Bocaue, Bulacan.

Hawak namin ang surveillance footages noong pinasok ng aming BITAG undercover team ang INTERCITY. Hindi namin estilo ang magkuwento kapag hindi namin naidodokumento. Ito ang pangunahing prinsipyo ng aming grupo!

Kayong mga hinayupak at tinamaan ng lintek na mga rice millers sa INTERCITY na naninilbihan para sa interes ng "kartel", humanda kayo!

Puwede kayong umiwas, pero hindi kayo puwedeng tumakbo! Nakakasa ang aming mga lambat at patibong sa bawat sulok ng inyong pinagkukutaan diyan sa INTERCITY.

Walang kahirap-hirap para sa BITAG na trabahuhin kayo. Nakuha na namin ang mga bagay na gusto naming makita. Kumpirmado ang mga tips at sumbong mula mismo sa inyong mga kabalahibo.

May kasabihan, "ang kawatan ay galit sa kapwa kawatan." Dahil ayaw na ayaw ng kawatan na siya’y nalalamangan ng kapwa niya kawatan.

Bilang panimula, sampol pa lang namin ang pagkahuli ng isang National Food Authority authorized rice retailer sa CAMANAVA. Siya si Marilyn Salonga at ang kanyang "kolokoy" at "hayupak" na trucker, si Edgardo Villanueva, noong nakaraang Miyerkules.

Nahuli namin sa akto kasama ang mga operatiba ng Traffic Management Group-National Capital Region Intelligence Unit, habang isinasagawa ang aktwal na rice diversion ("pagnanakaw"). Dinala ang mga NFA rice na para dapat sa pamilihang bayan ng Caloocan sa loob ng JLD warehouse na pag-aari ni Julie Dalisay sa boundary ng Bocaue at Balagtas, Bulacan na sakop pa rin ng INTERCITY.

Nagawa pa ng vice president ng INTERCITY Millers Association na si Teodoro Jaime na kausapin ako. Dahil ninenerbiyos at nangangatog daw sa takot ang mga tauhan ni Julie Dalisay sa loob mismo ng JLD warehouse noong araw na iyon. Tsk-tsk-tsk! Lahat ng ito dokumentado sa video.

"Malaking isda" ang nasa likod ni Salonga kaya naman kung umasta itong "gunggong" na trucker na si Villanueva, animo’y nakasandal siya sa pader. Muntikan ko’ng masapak ang kanyang anak sa loob mismo ng TMG headquaters, matapos akong tawaging mayabang. Buti na lang nakasibat agad ‘yung batang kolokoy.

Kasalukuyan, naka-impound pa rin sa TMG impounding area ang dalawang truck at ang mga bigas habang ihinahanda ng NFA Enforcement Investigation and Prosecution Division (EIPD) ang mga kasong kriminal at administratibo sa nahuling retailer at trucker.

Sisiguraduhin namin na dapat masampahan ng kaso si Julie Dalisay at ang JLD warehouse sa kasong illegal possession of NFA rice. Tandaan, hawak namin ang ibedensya na kinakailangang maiprisinta sa hukuman.

Mensahe namin sa INTERCITY Millers association, sige, ituloy niyo lang! Sino pa sa inyo ang susunod? Sino ang inyong ipinagmamalaking mga attorney de kampanilya na itatapat sa BITAG?

At kayo sa NFA North District Office, umpisahan ninyo ang pagbabago! Huwag niyong itanim sa isipan ng mga mamamayan na isangkaterba kayong mga tanga at bobo dahil sa pangyayari!

BOCAUE

BULACAN

DAHIL

EDGARDO VILLANUEVA

ENFORCEMENT INVESTIGATION AND PROSECUTION DIVISION

INTERCITY

JULIE DALISAY

NAMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with