Bago sumapit ang April 11, 2000 at May 3, 2000 kung kailan gaganapin ang auction sale, nagsampa si Johnny ng reklamo laban sa banko. Hiniling niya na ibalik ang dalawang titulo ng lupa at kanselahin ang dalawang REMs. Hiniling din niya na magkaroon ng Temporary Restraining Order laban sa banko at mga opisyales nito at sa sheriff na siyang magpapatupad ng auction. Itoy kanyang isinampa sa Regional Trial Court (RTC) ng Pasig kung saan siya nakatira. Tama ba ang pook ng paglilitisan ng kaso?
MALI. Upang malaman ang angkop na lugar ng paglilitisan para sa mga ganitong uri ng kaso, dapat malaman ang pangunahing layunin kung bakit ito isinampa sa Korte. Kung ang layunin nito ay makaapekto sa titulo ng lupa o pag-aari nito, o kaya namay sa kung sino ang mas may karapatan sa lupa, ito ay dapat isampa sa lugar kung saan matatagpuan ang lupa. Sa kasong ito, ang aksyon upang kanselahin ang real estate mortgage o REM ang pangunahing layunin kung bakit isinampa ni Johnny ang kaso. Hinihiling niya na ibalik sa kanila ang mga titulo ng lupa na nais ilitin ng banko dahil sa pagkansela naman nito ng omnibus credit line noong July 21, 1997.
Ang pagkansela ng real estate mortage ay isang aksyong magbabago o makakaapekto sa titulo ng lupa. Kaya ito ay dapat isampa sa RTC ng Mandaluyong City kung saan matatagpuan ang mga lupa. Dapat i-dismiss ang kaso na isinampa ni Johnny sa Pasig dahil hindi ito ang angkop na lugar kung saan dapat ganapin ang paglilitis.