^

PSN Opinyon

Hindi angkop ang lugar na paglilitisan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SINA Johnny at Bert ay may-ari ng isang sugar refinery. Noong August, 1996 sila ay nakakuha ng Omnibus Credit Line Accomodation sa isang banko sa halagang P900 million. Ang transaksyong ito ay may garantiya o kolateral ng Real Estate Mortgages (REM) ng dalawang parcela ng lupa. Ang isa ay may sukat na 24,837 square meters sa ilalim ng TCT No. 64070 na nakarehistro sa pangalan ni Bert at ang isa’y TCT No. 3325 na may sukat na 14,271 sq.m. na nakarehistro sa pangalan ng kanilang sugar refinery at matatagpuan sa Mandaluyong City. Ngunit noong July 21, 1997, ang omnibus credit line accomodation ay kinansela ng banko. Kaya hiniling ni Johnny na ibalik sa kanila ang dalawang titulo ng lupa, ngunit hindi pumayag ang banko. Pina-notaryo pa ng banko ang mga REMs at nirehistro sa Register of Deeds ng Mandaluyong noong September 2, 1997. At noong June 15, 1999, inilit ng banko ang REM ng TCT No. 64070 dahil sa hindi pagtupad ng obligasyon sa pagbabayad ng utang.

Bago sumapit ang April 11, 2000 at May 3, 2000 kung kailan gaganapin ang auction sale, nagsampa si Johnny ng reklamo laban sa banko. Hiniling niya na ibalik ang dalawang titulo ng lupa at kanselahin ang dalawang REMs. Hiniling din niya na magkaroon ng Temporary Restraining Order laban sa banko at mga opisyales nito at sa sheriff na siyang magpapatupad ng auction. Ito’y kanyang isinampa sa Regional Trial Court (RTC) ng Pasig kung saan siya nakatira. Tama ba ang pook ng paglilitisan ng kaso?

MALI.
Upang malaman ang angkop na lugar ng paglilitisan para sa mga ganitong uri ng kaso, dapat malaman ang pangunahing layunin kung bakit ito isinampa sa Korte. Kung ang layunin nito ay makaapekto sa titulo ng lupa o pag-aari nito, o kaya nama’y sa kung sino ang mas may karapatan sa lupa, ito ay dapat isampa sa lugar kung saan matatagpuan ang lupa. Sa kasong ito, ang aksyon upang kanselahin ang real estate mortgage o REM ang pangunahing layunin kung bakit isinampa ni Johnny ang kaso. Hinihiling niya na ibalik sa kanila ang mga titulo ng lupa na nais ilitin ng banko dahil sa pagkansela naman nito ng omnibus credit line noong July 21, 1997.

Ang pagkansela ng real estate mortage ay isang aksyong magbabago o makakaapekto sa titulo ng lupa. Kaya ito ay dapat isampa sa RTC ng Mandaluyong City kung saan matatagpuan ang mga lupa. Dapat i-dismiss ang kaso na isinampa ni Johnny sa Pasig dahil hindi ito ang angkop na lugar kung saan dapat ganapin ang paglilitis.

BANKO

BERT

HINILING

KAYA

KUNG

LUPA

MANDALUYONG CITY

NOONG AUGUST

OMNIBUS CREDIT LINE ACCOMODATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with