Noong 1992, inoperan siya na magsanay upang makuha niya ang posisyon ng Assistant Manager. Hindi niya ito tinanggap dahil aniya, kontento na siya sa kanyang posisyon bilang marketing officer.
Noong July, 1994 nagsimula na ang problema ni Felino sa manager ng FGDM at assistant vice president ng Manpower Technical Services. Sinabihan siyang mag-resign na lang at bibigyan siya ng kaukulang separation package at kung hindi tatanggalin siya dahil sa kawalan ng tiwala. Ayon sa kompanya, ginagawa nila ito upang maging maayos ang kanyang pag-alis bagamat siyay iresponsable at may tiwaling asal. Sabi naman ni Felino, ito marahil ay dahil sa union.
Nang hindi siya nag-resign, hindi na siya pinagtrabaho pa at ibang tao na ang gumawa ng kanyang tungkulin. Kaya noong August 16, 1994 sumulat ang kanyang abogado at binalaan ang kompanya na kung hindi sila titigil, magsasampa siya ng kaso laban sa kanila. Dahil dito, inilipat si Felino sa ibang posisyon at sinabihan siya na gagawa sila ng kinaukulang aksyon dahil sa sulat na ipinadala ng kanyang abogado.
Noong September 27, 1994, hiniling ng RAGC na magpaliwanag si Felino sa loob ng 48 oras kung bakit hindi dapat siya tanggalin sa kompanya dahil sa pag-AWOL. Kahit nagbigay ng paliwanag si Felino, tinanggal pa rin siya noong September 30, 1994 dahil hindi daw katanggap-tanggap ang dahilan ni Felino. Tama ba ang RAGC sa pagtanggal sa kanya?
MALI. Kapag tinaggi ng isang empleyado ang bin-tang laban sa kanya at itoy nagbigay ng paliwanag, kailangang may imbestigasyong gawin bago siya tanggalin. Karapatan ito ng empleyado upang madepensahan ang sarili laban sa mga ibinibintang sa kanya. Bukod dito, labing-apat na taon na siyang naninilbihan sa RAGC. Kung totoo nga ang mga paratang sa kanya, napakabigat naman na parusa ang kanyang tatanggapin. Ang pagkawalan ng tiwala ng kompanya sa empleyado o loss confidence ay hindi maaaring maging dahilan upang itoy tanggalin sa trabaho.