^

PSN Opinyon

Sadistang teacher, umiiyak na!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NGUMALNGAL si Rachel Cantos, sa harapan ng ama ng estudyanteng ginulpi ng una kahapon ng tanghali para humingi ng tawad todits. Natakot kasi si Rachel na makulong dahil sa kasong Child Abuse na isasampa ng pamilya ni Rea.

Si Rea, for your information dear readers ay ang 13 years old at Grade 6 student sa Avelino Librada Elementary School na ginulpi ng sadistang si Rachel.

Nakakuwentuhan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang erpat ni Rea kahapon dahil nagpunta sa kanyang office si Rachel kasama ng isang Guidance Counselor ng eskuwelahan para humingi ng tawad. Sabi nga, I’m sorry, Garci este mali Sir pala!

Binugbog kasi ni Rachel si Rea dahil lamang sa isang maliit na pagkakamali. Totoong may nagawang kamalian si Rea pero hindi dapat saktan ang bata kundi pagsabihan sa kanyang pagkakamali.

Kung ang mga mamamatay tao, magnanakaw, rapist et cetera ay binibigyan ng due process ng ating hustisya si Rea pa kaya na simple lang ang ginawang pagkakamali.

Dahil nga sadista si Rachel pinagsasabunutan, kinalmut-kalmot, pinagpapalo ng matigas na bagay ang pobreng alindahaw ng mag-ala rambutito si Ma’m sa galit niya kay Rea.

Ang mga teachers sa pagkakaintindi ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay second parents ng mga estudyante at ang eskuwelahan ay ang second home nila. Ang ganitong age ng mga students ay value formation stage.

Sabi nga, hinuhulma ang ugali ng mga ganitong edad para ilagay sa isip nila ang tamang pag-uugali na dadalhin nila pagtumanda na sila. Ika nga, ang maling gawain ng matanda ay nagiging tama sa mata ng bata!

Napaiyak ang erpat ni Rea nang makausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil iba raw ang batas ng mahirap sa mayaman. Kung mayaman lamang sila tiyak dehins magagawa ni Rachel ang saktan si Rea.

‘‘Dehins pa nakaka-usap ng Chief Kuwago ang principal ng Avelino LibradaElementary School tungkol sa aksyon nila kay Rachel!’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Baka naman ipitin ng ibang teachers si Rea na kakampi ni Rachel?’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Well be watching them kamote!’’

AVELINO LIBRADA ELEMENTARY SCHOOL

CHIEF KUWAGO

CHILD ABUSE

GUIDANCE COUNSELOR

RACHEL

RACHEL CANTOS

REA

SABI

SI REA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with