^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Masyadong marumi kaya may dengue

-
ANIM na taon na ang nakararaan, isang sikat na Amerikanang aktres ang nagtungo rito sa Pilipinas para ipromote ang kanyang pelikula. Matagumpay niyang naipromote ang pelikula at marami ang humanga sa kanyang Pinoy. Pero kung gaano karami ang humanga sa aktres, ganoon din karami ang nasuklam sa kanya. Paano’y pinintasan ng aktres ang Pilipinas makaraang dumating sa kanyang bansa. Sabi ng aktres, napakarumi raw ng Pilipinas. Sa Maynila raw ay napakaraming daga at ipis. Nakadidiri raw ang mga nakita niya.

Marami ang nagalit sa aktres. Kabilang sa mga nagalit ay mga pulitiko at idineklarang persona non grata ang aktres. Hindi na siya makatutuntong sa Pilipinas kahit kailan dahil sa napakawalang-utang na loob niya. Pagkatapos siyang tanggapin nang mainit ng mga Pinoy ay walang prenong lalaitin ang Pilipinas at sasabihing napakarumi at nakadidiri.

Masyado raw marumi at nakapandidiri ang Maynila na kumakatawan na sa buong Pilipinas. Tama ang aktres. Nagsasabi lamang siya ng totoo at hindi dapat magalit ang mga magagaling na pulitiko. Kung nagbabasa ng diyaryo ang aktres o nanonood sa CNN at makikita ang balita sa Pilipinas na marami nang namamatay sa dengue, baka lihim na magtatawa ang aktres sapagkat hindi lamang pala daga, ipis, surot ang mayroon sa Pilipinas kundi pati killer lamok.

Mahigit 12,000 na ang naiulat na nagkasakit ng dengue at 159 na ang namamatay sa buong bansa mula noong January 1, 2005 hanggang August 3, 2005. Pinakamarami ang namatay sa Region 10 na umaabot sa 49; Metro Manila, 25; Region 7, 22; Region 11, 16; at CARAGA Region 10.

Nakapagtataka naman na mabagal ang Department of Health sa pagbibigay ng babala at mga dapat gagawin para maiwasan at mapatay ang "killer lamok". Si President Arroyo pa ang nagpursige na magsagawa na ng fumigation sa Pag-asa, Quezon City kung saan tumataas ang bilang ng mga may dengue roon.

Saka lamang nagpalabas ng kautusan na kailangang maging malinis sa kapaligiran ang mga mamamayan para walang matirahan ang mga lamok. Linisin ang paligid sa mga basyong bote, plastik, goma na may lamang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga Aedes aegypti. Linisin ang mga esteros at mga kanal, lalo na ang mga hindi umaagos ang tubig. Nasa tubig na hindi umaagos ang itlog ng mga killer lamok.

Maglinis sapakat masyado nang marumi.

AKTRES

DEPARTMENT OF HEALTH

LINISIN

METRO MANILA

PILIPINAS

PINOY

QUEZON CITY

SA MAYNILA

SI PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with