Pagpapahalaga sa buhay
August 10, 2005 | 12:00am
SI Aling Julie ay isang ordinaryong maybahay na araw-araw nag-aalaga ng kanyang mga anak, naglilinis ng kanilang barung-barong at nagwawalis sa bakuran ng isang kumbento. Kapag may pagkakataon na nakakausap ko siya, parati niyang sinasabi na masarap mabuhay, kahit mahirap, basta hindi ka nang-aapi ng kapwa at hindi ka rin inaapi ninuman at lagi kang nagdarasal sa Panginoon.
Para sa akin, si Aling Julie ay halimbawa ng isang tao na parating "namamatay sa kanyang sarili" araw-araw, gaya ng tinutukoy ng Ebanghelyo sa araw na ito (Jn. 12:24-26).
"Tandaan ninyo: Malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, itoy mamumunga nang marami. Ang taong labis ang pagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang naglilingkod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroon din ang aking lingkod. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin."
Ang uri ng buhay ni Aling Julie ay hindi para sa kanyang sarili, kundi para sa kanyang mga anak, sa kanilang tahanan, sa paglilingkod sa mga taong pinagsisilbihan niya. Kayraming mga ina na katulad ni Aling Julie - namamatay sa sarili araw-araw, kung kaya ang bunga ay katiwasayan ng pamilya at ng kanilang kapaligiran. Ganito rin ang buhay ng mga manggagawa, mga guro, mga nagwawalis sa ating mga kalye - hindi alintana ang hirap, mapabuti lamang ang pamilya, magkaroon lang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga minamahal sa buhay.
Kung ang ating buhay ay nakatuon sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa, tunay ngang naghahari ang Diyos sa ating buhay. At sa gayon, mag-iiba ang kalidad at pagpapahalaga natin sa buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended