^

PSN Opinyon

Coming soon!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MUKHANG magkakaroon ng isang high-tech machines ang Manila International Airport Authority na gagamitin ng mga ito sa NAIA.

Napag-alaman ng mga kuwago ng ORA MISMO na walk-through detectors at baggage screening machines ang ilalagay sa NAIA at iba pang pangunahing airport sa Pinas.

Kaya kasi ng MIAA na bumili ng bagong makina kasi may pitsa ang nasabing office dahil gusto nilang makasiguro na ligtas ang mga passengers sa loob at labas ng paliparan.

Hindi biro ang mga makabagong uri ng equipments na gagamitin sa dalawang terminal ng NAIA at domestic airport highly-sophisticated toits.

Inaprubahan ni MIAA general manager Alfonso Cusi ang high-tech machines dahil sa kakaibang kalidad ng mga ito. Ayaw kasi ni Cusi, magpakaang-kaang ang seguridad sa airport. Sabi nga, matulog sa pansitan!

Ang lumang walk-through detectors ay papalitan na rin sa wakas porke madalas masira at dehins high-tech ika nga!

Mas matindi ang bagong machine detectors na ilalagay sa high-risk area ng paliparan dahil gustong tiktikan ng mga intel agents todits ang kilos ng bawat taong papasok sa paliparan maging ito ay passengers, employees o visitors.

May digital camera, ang bagong makina para madaling mapagkakilanlan o ma-detect ang anumang illegal na bagay na gustong ipasok ng isang kamote sa airport.

Ang parating na machine ay tinatawag na threat image projection x-ray machine.

"Dehins na siguro lulusot ang kriminal sa paliparan kung may balak man itong masama," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Tiyak iyon!" sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kaya bang bayaran ang high-tech machines?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Malaki ang pitsa ng MIAA kaya puwede silang maglabas basta para sa security measures."

"Ganoon ba kamote?"

vuukle comment

ALFONSO CUSI

AYAW

CRAME

CUSI

DEHINS

GANOON

INAPRUBAHAN

KAYA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with