^

PSN Opinyon

'Taripa'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PANGKARANIWAN nang eksena sa mga pampasaherong jeepney ang pagtatalo sa pagitan ng driver at pasahero. Ang kanilang isyu, ang kontrobersyal na "taripa" o "fare matrix".

Umaabot sa pisikal na komprontasyon ang mga pagtatalong ito lalo na kung mga kalalakihan ang kasangkot.

Hindi na umaabot sa blotter ng mga presinto ang mga eksenang ito dahil maliit at normal lamang ito para sa ilan sa atin. ‘Ika nga, bahagi na ito ng buhay kalsada ng ilan sa atin lalo na ‘yung mga nagko-commute.

Pero sa ilang mga mauutak at mapagsamantalang jeepney drivers at operators, nagagamit ang taripang ito para abusuhin ang ilang mga pasahero.

Hindi naipapatupad ang una ng naipataw na P7.50 na minimum na pasahe lalo na sa mga senior citizen at estudyante.

Ang ilan pa sa naaktuhan ng aming grupo, sumisingil ng pasahe mula P10—15 na minimum, malayo man o malapit ang kanilang destinasyon.

Ang dahilan ng lahat ng ito, ang kabagalan sa pagpapalabas ng taripa o fare matrix. O di naman kaya, sadyang nandaraya ang ilan sa mga lehitimo, lalung-lalo na ‘yung mga kolorum na jeepney.

Mahigpit na ipinatutupad ng Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) ni Chairperson Len Bautista ang pagpapaskil ng taripa sa lahat ng pampasaherong jeepney.

Sakaling walang makitang orihinal na taripa, ang payo ni Len Bautista, huwag magbayad ng minimum na itinaas na pasahe.

May mga matitinong driver na sumusunod sa panuntunang ito kaya kung minsan, naiiwasan ang pagtatalo.

Ngunit hangga’t maii-wasan, payo naming huwag ng makipagtalo upang maiwasan pa ang anumang klase ng gulo.
* * *
Hotline numbers para sa mga tips o anumang uring katiwalian, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Bahala si Tulfo sa UNTV 37 at DZME 1530 mula Lunes hanggang Biyernes, 9-10:30 a.m.

BAHALA

BIYERNES

CHAIRPERSON LEN BAUTISTA

IKA

LAND TRANSPORTATION REGULATORY BOARD

LEN BAUTISTA

MAHIGPIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with