^

PSN Opinyon

Kaso ng tituladong lote

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NOONG December 11, 1992 pinagbili ng DBI ang isang tituladong lote sa Sampaloc, Manila na may sukat na 139.4 square meters at tinaguriang lot 44 kina Carlos at Vicky. Ang presyo ng lote ay P836,400. na mayroong 10 percent paunang bayad at ang balanse ay babayaran sa loob ng 60 buwan sa halagang P19,943.57 kasama na ang interes.

Pagkapirma ng kontrata, inokupahan agad nina Carlos at Vicky ang lupa. Ngunit makaraan ang dalawang taon, hindi na sila nakakapagbayad ng hulog. Bagamat binigyan sila ng palugit ayon na rin sa kontrata, hindi pa rin sila nakabayad. Kaya nagdesisyon ang DBI na kanselahin ang kontrata sa pamamagitan ng paggawa ng ‘‘Rescission of Contract’’ noong October 16, 1996. At noong Disyembre 6, 1996, nagsampa ang DBI ng kaso sa Regional Trial Court ng ‘‘Accion Pibliciana’’ o pagbawi sa lupa. Sinabi ng DBI na pumapayag silang ibalik ang 50 percent ng buong halaga ng bayad nila Carlos at Vicky upang maibalik sa kanila ang lupa ayon sa RA 6552 (Maceda Law).

Nag-file ang mag-asawa ng motion to dismiss dahil anila, wala raw ito sa hurisdiksyon ng RTC. Dapat daw ay sa HLURB ito isinampa dahil ito raw ang may hurisdiksyon sa mga kaso tungkol sa mga subdibisyon. Ayon sa mag-asawa, nakasaad daw sa paragraph 6 ng kontrata nila na kung di na-debelop ang lote bilang ‘‘subdivision project’’ ay sapat ng dahilan upang tumigil silang magbayad. Tama ba sila?

MALI.
Ang kontratang may pinagbasehan ay hindi naman nakalakip sa reklamo. Ito’y di sapat na patunay na ang lote nga ay isang subdivision lot. Ang paggamit ng mga katagang ‘‘regular subdivision lot’’ ay hindi nangangahulugang sumasailalim na sa hurisdiksyon ng HLURB. Ang hurisdiksyon ay nalalaman batay sa alegasyon ng reklamo. Dito sa reklamong inihain sa Korte, hindi naman sinasabi na ang loteng nabanggit dito ay isa ngang ‘‘subdivision lot.’’ Ito’y inilarawan lamang na isang lote bilang ‘‘no. 44, Plan 15 na may sukat na 139.4 sq.m na matatagpuan sa distrito ng Sampaloc sa ilalim ng TCT No. 131305 (Javellana vs. Legarda et. al. G.R. 139067 (November 23, 2004).

ACCION PIBLICIANA

AYON

BAGAMAT

DAPAT

DISYEMBRE

MACEDA LAW

REGIONAL TRIAL COURT

RESCISSION OF CONTRACT

VICKY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with