^

PSN Opinyon

Silbi ng tutule

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ALAM n’yo bang ang tutule ang humaharang para hindi makapasok ang alikabok, sand particles at iba pang bagay sa taynga? Napakahalaga ng tutule o earwax ayon kay Dr. Gil Vicente, kilalang staleryngologist-head and neck surgeon ng St. Lukes’ Medical Center.

Ang earwax ang nagsisilbing temporary water repellant at kung wala nito matutuyo at magiging makati ang taynga. Ipinapayo ni Dr. Vicente na maging maingat sa paglilinis ng taynga. Hindi dapat na gumamit ng cotton buds, bobby pins at iba pang matulis na bagay.

Kapag naliligo ay gumamit ng malinis na tela para ikuskos ng marahan sa taynga at sa butas nito. Kapag marami nang tutule at nagiging sagabal sa ear canal at naaapektuhan ang pandinig dapat na sumangguni sa doktor. Ang doktor ang maglilinis nito gamit ang special instruments o di kaya ay magpeprescribe siya ng ear drops na mabibili sa botika. Mas mainam na kumunsulta sa isang otolaryngologist na gaya ni Dr. Vicente. si Dr. Vicente ay matatawagan sa 722-6762.

DR. GIL VICENTE

DR. VICENTE

IPINAPAYO

KAPAG

MEDICAL CENTER

NAPAKAHALAGA

NITO

ST. LUKES

TAYNGA

VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with