^

PSN Opinyon

Patakaran ng impeachment

SAPOL - Jarius Bondoc -
Ayon sa Article XI ng Konstitusyon, "Accountability of Public Officials," maari isakdal (impeach) at sibakin ang Presidente, Bise, at mga miyembro ng Korte Suprema at Constitutional Commissions. Ito’y sa salang paglabag sa Konstitusyon, kataksilan, panunuhol at corruption, ano mang malaking krimen, at pagsira sa tiwala ng madla.

Dalawang paraan ang pag-impeach. Una, sa mayoryang desisyon ng House committee on justice. Ikalawa, sa pirma ng one-third ng miyembro ng House, o 79 sa 237 nakaupo ngayon.

Kailangan ang boto ng two-thirds ng Senado, o 16 sa 23 kasapi, para sibakin ang na-impeach. Sa paglilitis ng Presidente, kailangan maupo ang Chief Justice, pero hindi boboto.

Hamon ng mga katoto ni Presidente Gloria Arroyo sa mga nagpapa-resign sa kanya na daanin nila sa prosesong legal. Tuya naman ni Gng. Arroyo sa mga nag-aakusa ng jueteng payola at pandaraya sa eleksiyon, dumulog sila sa Kongreso.

Maaring pinahamak ni Gng Arroyo ang sarili. Hindi man makalusot sa House justice committee ang impeachment dahil dominado ito ng mga loyalista niya sa Lakas at Kampi, may tulog pa rin siya. Ani mismo ni Rep. Joey Salceda, adviser niya, na makakakuha ang Oposisyon ng 79 pirma. Ito’y mula sa 28 orihinal na Minorya, 10 Kaliwa na nais itumba ang ano mang gobyerno, 21 Liberal na tumiwalag sa Administrasyon, 10 Nacionalista na nais iupo si VP Noli de Castro, at apat na Kampi na galit kay Gng. Arroyo (Roy Golez, Clavel Martinez, Dodot Jaworski, Edmund Reyes). Anim na lang, aandar na ang impeachment jeepney.

Sasaluhin ang sakdal sa Senadong dati’y maka-Arroyo. Pero kasama ng 11 orihinal na Minorya, pinapa-resign na rin siya ng apat na Liberal. Isang boto na lang, talsik si Gng. Arroyo.

Ang impeachment ay isang prosesong pulitikal at legal. Gagamitin sa Senado ang rules of court at rules of evidence, pero maaring hindi ito pansinin ng mga partisanong nais pabagsakin ang Administrasyon.

ACCOUNTABILITY OF PUBLIC OFFICIALS

ADMINISTRASYON

CHIEF JUSTICE

CLAVEL MARTINEZ

CONSTITUTIONAL COMMISSIONS

DODOT JAWORSKI

EDMUND REYES

GNG

GNG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with