Sindikatong nasa likod ng escort service, hulog sa BITAG
July 15, 2005 | 12:00am
PINAG-IINGAT namin ang mga magulang lalo na yung may mga anak na menor-de-edad o nasa hustong gulang na at estudyante ng ilang exclusive schools sa University belt. Sila ang pangunahing target ng sindikatong nasa likod ng escort service kuno.
Nagkalat ang advertisements na kahalintulad nito sa buy and sell at ilang mga pangunahing broadsheet at tabloid. Malaking sahod ang pang-akit ng mga advertisements na ito kapalit ang oras na ilalaan sa pagsama lamang sa foreigner bilang escort o tour guide.
Ngunit sa likod ng pang-aakit na ito ang malinaw na katotohanang nagagamit ito sa prostitusyon.
Mga kabataang kababaihang naliligaw ng landas, nalululong sa bisyo o yung produkto ng broken family ang kanilang nahihikayat.
Ito ang katotohanang nakumpirma ng BITAG matapos lumapit sa amin ang asset na si Anna.
Ayon kay Anna, by class ang babaeng ikinakalakal ng escort service na pag-aari ng isang Benjamine Quinto. Makakapamili rin daw ang kanilang mga customer sa pamamagitan ng pagpasok sa kanilang website.
Karaniwang parokyano ng kalakal ni Benjamine Quinto ang ilang pulitiko, artista at ang businessman.
Mala-pizza delivery ang kanilang serbisyo, kung saan inihahatid na lamang sa napagkasunduang lugar ang order na babae.
Abangan ngayong Sabado kung papaano nahulog sa pinagsanib na puwersa ng NBI at BITAG ang utak ng sindikato sa likod ng escort service na si Benjamine Quinto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
September 20, 2024 - 12:00am