^

PSN Opinyon

Lifestyle check sa BoC-POM Section 5

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MAGANDA kaya ang kinita ng ilang kamote sa Bureau of Customs Port of Manila Section 5?

Matindi raw ang under payment at na-under value pa ang ilang luxury vehicles na idinaan todits. Si BIR Commissioner Willy Parayno ang naka-diskubre ng raket kaya todo-habol niya ang mga importers ng Porche at Audi pati na ang mga nakabili ng very expensive na tsikot. Sabi nga, additional taxes and duties ang kailangan!

Dehins biro ang pitsang nawala sa kaban ng bayan. Prez Gloria Macapagal-Arroyo, Your Excellency.

Ang masama nga lang biglang nagbitiw si Willy ‘‘the whiz kid’’ sa BIR kasama si BoC Commissioner Betong Lina noon kasagsagan ng ‘‘Resign GMA Plot.’’ Wala na kasi silang amor kay Prez GMA, kaya nila nagawa ang mag-about face sa kanilang Reyna.

Kaya naman nagpiye-piyesta na ang mga kamoteng kawatan sa Aduana dahil lusot na raw sila sa imbestigasyon. Ika nga, naglulundagan ang mga tekamots.

Isang ‘‘Espada,’’ ang utak ng under the table deal kaya masasaya ang mga magnanakaw todits. Sa bulsa ng mga gago napupunta ang taxes na dapat ibayad sa government.

May kasamang notorious na broker ang grupo ng mga gago ito ang ‘‘Godfather ng Swing’’ sa Aduana. Millions of pesos ang kinita ng mga gago rito sa pangunguna ng Godfather na dapat sigurong imbestigahan na rin sa Kongreso.

Ang declared value ay US$5,000 per luxury car pero ang bentahan sa mga luxury vehicles ay dehins bababa sa P10 million. DoF Undersecretary Bonoan, Your Honor, mukhang dapat na sigurong sampolan mo na ’yang mga ric diyan sa Sec. 5. I’m sure na positive ang magiging result nito, Sir!

Dapat sigurong ipa-recall ni BoC Deputy Commissioner for Assessment Celso Templo ang mga import Entry Documents ng mga luxury vehicles na dumaan diyan sa South Harbor.

‘‘Hindi kaya ma-shock si Templo sa matutuklasan nitong mga misdeclaration at misclassification ng mga luxury cars?’’ anang kuwagong swinger sa Subic.

‘‘Iyan ang bantayan natin kamote.’’

ASSESSMENT CELSO TEMPLO

BUREAU OF CUSTOMS PORT OF MANILA SECTION

COMMISSIONER BETONG LINA

COMMISSIONER WILLY PARAYNO

DEPUTY COMMISSIONER

ENTRY DOCUMENTS

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SOUTH HARBOR

UNDERSECRETARY BONOAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with