^

PSN Opinyon

"Katorse anyos, sinakal matapos pilahan..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
MAG-INGAT SA MGA TAONG HINDI NATING NAKIKILALA.

LALUNG-LALO NA KUNG ANG ANAK NATING BABAE AT MENOR-DE-EDAD PA ANG PINAG-UUSAPAN.

Ito ang mapait na leksyon na natutunan ng pamilya Ruiz ng Calamba, Laguna. Ang anak nilang si Margie Arambulo Ruiz, 14-yrs-old ay hinayaan nilang sumama sa isang lalake na pinagkatiwalaan. Dati silang nakitira sa bahay nitong suspect. Si Erick ay naging malapit sa pamilya nila Margie kaya "Ninong" nga ang tawag sa kanya nitong dalagita. Kaya pala mabait sa kanila itong demonyong si Erick ay dahil meron siyang masamang pagnanasa sa dalagita.

Si Margie ay incoming Fouth Year High School sa Looc National High School sa Calamba, Laguna. Matalino si Margie at nakatanggap ng maraming mga medals at awards for academic excellence.

Sa kagustuhang makatulong nitong si Margie sa kanyang may sakit na ina at sa kanyang pamilya, pilit na naghahanap ito ng trabaho.

Ito ang naging mitsa ng kanyang trahedya dahil nung May 31, 2005, nagpunta sa bahay nila itong si Erick Opena.

Kinausap nitong si Erick ang nanay ng biktima na si Aling Myra Ruiz, 37 years old. Sinusundo nitong si Erick si Margie upang bigyan ng trabaho.

Dahil tiwala naman ang ina ng biktima kay Erick, pinayagan niyang sumama ang dalagita sa taong ito.

Hindi umuwi si Margie nung gabing yun. Kinabahan na ang kanyang ina. Lalong nangamba ang ina ng dalagita ng kinabukasan bumalik sa kanilang bahay si Erick at hinahanap si Margie. Nagtaka ang nanay ni Margie dahil si Erick ang huling kasama ni Margie nung gabing yun.

Hinanap nila si Margie sa iba’t ibang lugar. Nakalipas daw ng dalawang araw bago nagkaroon ng breakthrough sa kasong ito.

Nakatanggap sila ng balita na meron daw nakitang bangkay ng isang babae sa Marinig Road, Brgy. Sala, Cabuyao, Laguna. Napag-alaman nila na nasa Funeraria San Ramon sa Cabuyao ang bangkay. Agad silang nagtungo dun.

Kinilala ang bangkay sa funeraria ng isang malapit sa pamilya na ito nga si Margie. Si Margie ay biktima ng rape at pinatay sa pamamagitan ng pagsakal.

Si P01 Jonathan Lebrada ng Cabuyao Police ay unang nagpunta sa crime scene ng makatanggap sila ng tawag ng merong patay na babae sa lugar na yun Pagdating sa crime scene ay nakita ang bangkay na nakabalot sa sako.

Nang buksan ang sako, nakita nila ng may balot na shorts ang mukha ng biktima.

Tinanggal nila ang short at ang nakita nila na may nakasaksak na panty sa bibig ng biktima. Ang mga kamay nito ay nakatali ng bra.

Ayon kay PO2 Gilda Magtagad, investigator on case, nakatanggap sila ng tip na isang tricycle driver ang nakitang may sakay sa biktima nung gabing mawala siya. Agad nilang inimbitahan ang tricycle driver na kinilalang si Edgar"Egay" Malabanan. Kusang nagbigay ng statement itong si Egay kay Atty. Angel Navarosa, ng Public Attorney’s Office (PAO) tungkol sa detalye ng krimeng nangyari kay Margie.

Sa statement daw ni Egay na driver ng tricycle na ginamit noong inihatid si Margie sa bahay ni Erick Opena, binanggit niya ang iba pang mga taong kasama nung gabing yun. Sina Erick Opena, Mantes de Mesa Crispin "Ap-Ap" Alipon at dalawang di pa nakikilalang lalake.

Sinabi ni Egay na pagkatapos niyang ihatid si Margie sa bahay ni Erick, iniwan niya ito at sinabihan daw siyang bumalik na lang matapos ang 30 minutes.

Nang bumalik siya narinig ni Egay na sumisigaw si Margie ng "Huwag po...Huwag po..." Matapos ang pangyayari, nakita ni Egay na inilabas ang bangkay ni Margie na nakasuot na sa sako. Isinakay ito sa kanyang tricycle kung saan dinala nila ito at itinapon sa Brgy. Sala, Cabuyao, Laguna.

Sa isang examination na isinagawa ng medico-legal maraming nakitang pasa sa katawan ng dalagita. Sa may bandang batok, may nakitang malaking pasa na palatandaan na maaring pinalo o sinuntok ito. Maari ding natamo ito ng tumama ang ulo nito sa semento.

Nagsagawa din ng genital examination upang mapatunayan na talagang pinagsamantalahan si Margie. May nakitang malalim na sugat sa vagina ng dalagita. Mga fresh lacerations sa 3 at 6 0’clock positions. May bleeding pa sa maselang bahagi ng dalagita.

Batay na rin sa investigation ng Cabuyao Police, mahigit kumulang anim na lalake ang nang rape sa dalagita. Dinala ni Erick sa bahay niya itong si Margie kung sang nag-aantay na ang ilang mga kabarkada nito. Duon mismo sa loob ng bahay nitong suspect halinhinang pinagsamantalahan ng mga hayok na ito ang murang katawan at walang kalaban-laban na babae. Matapos ang lahat si Margie ay sinakal hanggang namatay ito.

Pilit na pinasak ang panty nung bata sa kanyang bibig habang ginagahasa ito para hindi marinig ang kanyang mga sigaw. Itinali rin ng bra ang kanyang mga kamay para hindi makapalag.

Matapos patayin, pilit na inilagay sa isang sako ang bangkay ni Margie.

Sa ngayon, nagtatago ang prime suspect na si Erick Opena at wala na sa kanyang bahay. Inaantay na lamang ang warrant-of-arrests laban sa mga suspects.

Kung meron kayong impormasyon sa brutal na krimen na ito, maaring makipag-ugnayan lamang kayo sa aking tanggapan.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

vuukle comment

BAHAY

CABUYAO

CABUYAO POLICE

EGAY

ERICK

ERICK OPENA

KANYANG

MARGIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with