^

PSN Opinyon

San Pedro at San Pablo

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ay kapistahan ng dalawang pangunahing haligi ng Simbahan: Sina San Pedro at San Pablo. Ang una ang itinuturing na alagad para sa mga Judio, at ang huli ay ang alagad para sa mga di-Judio o mga Hentil — kasama na tayo roon.

Ang dalawa ay kapwa pinili ni Jesus na maging tagasunod niya. Sila’y mga tao na kapwa may mga kahinaan, subalit dahil sa grasya ng Panginoon ay naging tagapagtaguyod ng misyón ni Jesus at naging mga haligi ng Simbahang itinatag ni Jesus.

Si Pedro (na ibig sabihin ay "Bato") ay si dating Simon Barjona. Siya ay isang mangingisda. Siya rin ang nagtatwa kay Jesus. Subalit sa tindi ng kanyang pagsisisi at pagmamahal kay Jesus, inihabilin ng Panginoon sa kanya ang susi ng kalangitan at ang pangangalaga ng Kanyang kawan. Siya ang kinikilalang unang Papa sa Roma ng Simbahang Katoliko.

Si Pablo naman ay si dating Saul. Isa siyang sundalong Romano na dati-rati’y nagpapahirap sa mga Kristiyano. Sa minsang pagtahak niya sa daan patungong Damasco, nagpabanaag sa kanya si Jesus. At mula noon, siya’y naging isang Kristiyano at masigasig na tagapagtaguyod ng Mabuting Balita tungkol kay Jesus. Sa kanyang iniatang ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa iba’t ibang dako noong kapanahunan niya: Sa Galacia, Efeso, Corinto, Tesalonica, at iba pa.

Tulad nina San Pedro at San Pablo, tayo rin ay pinili ng Diyos nang tayo’y mabinyagan. Sa ating pagkabinyag, naiatang din sa atin na ipagpatuloy ang misyon ni Jesus dito sa lupa: Ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos, ang pagpapagaling ng maysakit at ang pagpapa-layas ng mga demonyo. Tulad din nina San Pedro at San Pablo, tayo rin ay may mga kakulangan, may mga kahinaan. Subalit sa kabila nito, pinagkatiwalaan tayo ng Panginoon na ganapin ang pagpapatuloy ng Kanyang misyon upang ang iba pang hindi nakakakilala sa Diyos ay makilala at mahalin Siya.

Sa lahat ng mga parokya sa buong Pilipinas na ang mga patron ay sina San Pedro at San Pablo, Maligayang Kapistahan sa inyong lahat!

vuukle comment

DIYOS

JESUS

JUDIO

KANYANG

PANGINOON

SAN

SAN PABLO

SAN PEDRO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with